Diwata appeals to fans, influencers: 'Bigyan n'yo naman ako ng time para makapagtrabaho'


At a glance

  • Diwata's recent plea to vloggers carries a weighty significance, as he earnestly requests for his time and personal space to be respected.


Screenshot 2024-06-11 at 1.15.44 PM.png
Diwata (Facebook)

Everybody wants a piece of Diwata, a businessman who gained fame through his rags-to-riches story.

Since he went viral because of his beef pares stall, life has never been the same for Diwata, also known as Deo Balbuena. 

Social media influencers, bloggers and fans request interviews and photo opportunities with Diwata at any time of the day.

Diwata's recent plea to vloggers ad fans carries a weighty significance, as he earnestly requests for his time and personal space to be respected.

In a video clip uploaded by Mga Ka Pobre on social media, Diwata appealed to vloggers, social media influencers and fans to be considerate and avoid contacting him during business hours.

"May time naman para sa interview at vlogging. Bigyan n'yo naman ako ng time para makakilos sa tindahan ko kasi ang priority sa akin ang tindahan ko.

"Paano ko yan maha-handle kung dyan na lang ako nakaharap sa camera ninyo. Tama po ba? Hindi ko na maasikaso (negosyo ko). Hindi ko na nga alam kung may nangungupit na.

"Kasi kung pupunta ako dyan, gusto nyo nakaharap na lang ako sa mga camera ninyo. Kapag hindi ko kaya pinagbigyan galit kayo at sasabihin ninyo masama ang ugali.

"Kaya naka-focus po ako sa tindahan ko. Naiintindihan ko naman po kayo at salamat sa suporta pero kailangan ko lang talaga ang pag-unawa ninyo.

"Kung sa camera na lang ninyo ako nakaharap wala na akong magagawa sa tindahan ko. Hindi naman siguro yun mahirap na pakiusap. Magtulungan tayo at makipagsamahan.

diwa1.png

"Hindi naman puwedeng nasa camera na lang ninyo ako wala na akong magagawa. Kayo kikita kayo sa vlogging ninyo pero paano naman ako sa tindahan ko?

"Kikita kayo sa reach ninyo. Wala naman akong pakialam sa kita ninyo pero sa akin bigyan nyo naman ako ng time kasi parang hindi na normal. Para makapagtrabaho naman ako. Nagnenegosyo po ako eh.

"Kapag sinabi kong mamaya na pero makukulit pa rin kayo. Tapos kapag may nasabi akong masama sa inyo ia-upload ninyo para dumami ang views ninyo. Na kesyo masama ako at may attitude na at lalabas na ang tunay na kulay. Yan ang gusto ninyo di ba? Maraming views para kumita kayo. 

"Kaya sana maintindihan ninyo ako.Yun lang naman yun eh. Di ba tama ba? Ano ang lumalabas sa Facebook kapag hindi mo napagbigyan? Lumalabas ang tunay na ugali at lumalaki na ang ulo. Kaya nakikiusap ako sa inyo na pagbigyan niyo naman ako na makapagtrabaho," said Diwata, as he spoke from the window of his small office.