Cristy gave her reaction during the streaming broadcast of her showbiz programentitled Cristy Ferminute on May 3.
Cristy Fermin on Bea Alonzo filing cyber libel case: 'See you in court. Hindi po tayo maaaring pahintuin ng mga ganitong sitwasyon'
At a glance
Veteran entertainment columnist Cristy Fermin has given her reaction to actress Bea Alonzo filing criminal cases for cyber libel against her and other showbiz columnists and online hosts, as well as their co-hosts in their respective online programs.
Cristy gave her reaction during the streaming broadcast of her showbiz program entitled Cristy Ferminute on May 3.
“Wala pa po akong detalyadong maibibigay sa inyo dahil wala pa po kaming hawak na impormasyon. Hindi pa po namin alam kung anu-ano ba ang nilalaman ng kanyang sinumpaang salaysay kung bakit siya nagdemanda ng kasong libelo.”
“Ang libelo po, cyber libel o cyber bullying na tinatawag nila ay kakambal ng aming propesyon. Ito po ay parang dila at ngipin na magkasama. ‘Di po maaring paghiwalayin.
“Pero napakalayo pa po ng tatakbuhin ng kasong ito (at) magpapalitan pa po kami ng aming mga sinumpaang salaysay at ang prosekusyon na po ang magdedesisyon kung sino ba ang nasa tama at kung sino naman ang nasa panig ng mali.
“Hindi po natin ito mapupuwersa para sa atin ang manghusga kung sino sa panig namin ni Bea Alonzo ang nagkasala ... nasa husgado na po ‘yan.
“Hindi lang po naming matatanggap ni Ogie Diaz ‘yung kanyang kampo sa pagsasabi na ang aming daw pong vlogs ay ginagawa para lamang magkaroon ng mataas na views at pagkakitaan si Bea Alonzo.
“Ang programa po ni Ogie Diaz, ang kanyang vlog ang ‘Showbiz Now Na,' maging ito pong ‘Cristy Ferminute,’ ay dinisensyo hindi lamang po para kay Bea Alonzo. Ito po ay para ibalita ang lahat ng kuwento positibo man o hindi tungkol sa mga personalidad na tinatawag po nating public figures.
“At bilang pampublikong pigura po sila ay kami naman po ang nagtatawid ng mga balita tungkol sa kanila hindi po naming maaaring puhunanin si Bea Alonzo lamang para kumita ang aming mga vlogs, mali po iyon.
“Lahat ng mga kuwento ay ilalatag po namin at depende na lamang po ‘yan sa pagtanggap ng mga personalidad na aming tinatalakay.”
"Kayo po ay public figures kayo po ay nabubuhay sa loob ng aquarium sabi ko nga at gasgas na ang linya kong ito, kayo po ay mga isda sa loob ng aquarium ang publiko po ay nakatanaw sa inyo bawa’t galaw ninyo, bawat ikot ninyo, marami pong nakatanaw, wala kayong maaring ligtasan dahil public figure kayo.
"Huwag masyadong balat sibuyas, pero ‘yung karapatan mo Bea Alonzo para magsampa ng kaso laban sa amin ni Ogie Diaz at sa iba pa naming mga kasama ‘yan ay hindi namin hinaharangan.
“Pero kung ito ang naging dahilan para busalan ninyo ang aming bibig, opinion at malaya naming pamamahayag ay nagkakamali kayo.
“Gumawa ka ng maganda, Bea Alonzo, patuloy kitang papalakpakan, patuloy kitang pupurihin pero kapag ika’y nagkakamali at sablay ang iyong ginagawa sa mata ng publiko at sa aming panlasa, ikaw ay aming papaalalahanan at tatapikin.
“Sabi nga, kayo ang nagdemanda, ikaw, Bea, ang nagsampa ng kasong libelo laban sa akin, kay Ogie Diaz at sa aming mga kasama ano ang ating mga sinasabi, we will see you in court.
"Hindi po tayo maaaring pahintuin ng mga ganitong sitwasyon."