Francine Diaz and Seth Fedelin react: 'Ang FranSeth po hindi magiging KathNiel'


At a glance

  • During theApril 23 media conference for the romance drama flick, Seth and Francine revealed that they had been in a love team for five years butmaintained a platonic relationship.


fran1.jpeg
Francine Diaz and Seth Fedelin

Francine Diaz and Seth Fedelin, collectively known as FranSeth, are excited about their first movie together, "My Future You," which will be produced by Regal Entertainment Inc. It will be directed by Crisanto B. Aquino.

During the April 23 media conference for the romance drama flick, Seth and Francine revealed that they had been in a love team for five years but maintained a platonic relationship.

"Maging lalaki tayo. Hindi malabo na umabot sa punto na ganun. Pero sa ngayon, ayoko naman magsalita ng patapos at ayoko rin naman na mukhang nagpapakilig lang ako rito.

"Sa totoo lang po tayo. Priority ko muna ang pelikula pero malaking tulong din sa samahan namin yung mga eksena na gagawin namin.

"Hindi ko pine-pressure ang sarili ko na maka-relasyon si Francine. Unang-una, lagi kong sinasabi, nirerespeto ko po yung mga magulang ni Francine. Nirerespeto ko rin si Francine.

"Hindi ko na rin ie-elaborate kung ano yung mga pinag-uusapan namin ni Francine. May mga times kami ni Francine na nag-uusap na kaming dalawa lang. Sa amin na lang po iyun.

"Darating ang panahon na yang tanong na yan ay masasagot namin ng direcho. Sa ngayon hindi talaga namin kayang sagutin ng direcho," said Seth, 21.

francine2.jpeg
Francine Diaz (Facebook)

Francine commented: "Hindi naman siguro makakabawas ng pagkababae kung sasabihin ko na hindi naman malabo mangyari yun lalo na at may mga gagawin pa kaming projects after this movie. Parati kaming magkakasama.

"Sa pagkakakilala ko kay Seth, sa ugali niya, bilang tao, hindi siya mahirap magustuhan. Pero tulad nga ng sinabi niya, hindi namin pina-prioritize na maging kami kasi may tamang panahon para diyan. 

"At nirerespeto po namin ang pamilya namin sa isa't isa pati na rin yung mga taong ipinagkatiwala sa amin yung mga projects na binibigay.

"Kaya po sa ngayon, agreement din namin na it's better na ganito ang relationship namin pero nagiging much better na priority namin ang trabaho at hindi naaapektuhan," she said.

Seth added: "May pag-uusap po. Hindi siya ganun kababaw at hind siya ganun kadaling sirain kung anong meron kami ni Francine na malalim na samahan na meron kami ni Francine sa loob ng five years."

When asked if pressured about their first movie, Francine said: "Siguro more than sa panghihikayat, nag usap na kami na bawa't eksena, ibibigay namin ang lahat. Since first movie namin ito, ipinagkatiwala sa amin ni Regal, pati na rin mga supporters namin na nag-aabang, ayaw namin silang biguin.

"Para sa amin, mapuno man o hindi, ang mahalaga ay yung mga gustong pumunta roon, gustong sumuporta at mapanood yung pelikula at maintindihan nila mismo yung kwento ng movie namin. Kung sino man ang susuporta sa amin, maraming salamat po," said Francine, 20.

Screenshot 2024-04-23 at 10.48.15 PM.png
Seth Fedelin (Instagram)

Seth said: "Idadagdag ko na rin. Siyempre kauna-unahang pelikula namin ito, hindi siya biro. Kapag naipalabas na ito, meron masasabi sa aming dalawa ni Francine. Doon pa lamang, isa ng malaking kakaharapin namin.

"Sabi nga ni Francine, papanoorin ito ng mga nagmamahal sa amin. Pero gusto rin namin ito panoorin ng lahat. Gusto rin namin na dito kami mahalin ng mas marami. Hindi rin natin mapi-please ang lahat ng tao. Pero still mahal namin sila at ginagawa namin ito para sa kanila," he said.

What makes them click

"Sa tagal na ng friendship namin ni Seth, marami na rin kaming na-discover sa isa't isa. Kaya yun ang naging factor kung bakit click kami on and off the camera," said Francine.

"Yung mga pangarap at paniniwala sa life, mas transparent kami sa isa't isa kaya kami nagki-click. Kilala na namin ang isa't isa," she added.

Seth answered: "Parehas kami ng gusto at ayaw. Siguro pagiging totoo kami sa isa't isa."

Francine and Seth were also asked what they liked about each other.

"Siguro yung pangkalahatan ni Francine. Yung buong Francine. Panlabas at panloob. Yun ang nagustuhan ko kay Francine," said Seth.

Francine commented: "Bukod sa panlabas ni Seth, kung minsan nag uusap kami, mas nakikilala ko siya bilang paano siya bilang anak. Yun ang nagugustuhan ko sa kanya.

seth2.jpeg
The cast of the upcoming movie 'My Future You' poses during the press conference held at Valencia Events Place in New Manila, Quezon City, on April 23. With them is Ms Roselle Monteverde of Regal Entertainment Inc.

"Nakikita ko kung paano niya tratuhin ang mama niya, papa niya lalo na mga kapatid niya. Kung gaano siya ka protective. Para siyang tatay na marunong mag-alaga at provider," she said.

"My Future You" also stars Christian Vasquez, Almira Muhlach, Pewee O'Hara, Bodjie Pascua, Mosang, and Vance Larena.

Francine and Seth reacted to comments from netizens on being tagged as the next KathNiel, the love team of Kathryn Bernardo and Daniel Padilla.

"Nakaka-pressure po kasi nakikita nila sa amin yung KathNiel noon. But at the same time po, mas gusto naming makita nila kami as kami at hindi ibang tao," Francine said.

'Ayaw po namin maging KathNiel'

Francine and Seth reacted to comments from netizens on being labelled as the next KathNiel, the former love team of Kathryn Bernardo and Daniel Padilla.

"Nakaka-pressure po kasi nakikita nila sa amin yung KathNiel noon. But at the same time po, mas gusto naming makita nila kami as kami at hindi ibang tao," Francine said.

Seth said: “Nakakakaba po ang ganung statement, dahil paano pag di namin nagawa? Ang direksiyon po talaga namin, ang gusto ko maging si Seth ako. Gusto ni Francine, maging si Francine siya. Gusto naming maging FranSeth.

“Pag tinitingnan ko siya na, 'O, mala-KathNiel ang dalawa. Si Seth parang si Daniel, si Francine para siyang si Kathryn,' alam niyo po yun? Hindi ako magiging Daniel. Napakalabo po nun. Hindi po ako magiging Daniel.

"Ang FranSeth po hindi magiging KathNiel. Ayaw naming maging KathNiel. Ayaw po naming maging KathNiel. Gusto po namin maging FranSeth. Sa success po siguro, yung narating nila, nakailang pelikula sila, gusto po namin maging ganun," added Seth.