Willie Revillame: 'Babalik ako'


Willie Revillame is making a comeback.

He dropped a new tune on social media recently aptly titled, "Babalik Ako."

The caption of the post read, "Sa Programa ng Bawat Pilipino Kayo ang Bida Dito. Abangan."

Prior to the track playing, the following text could be seen.

"Namimiss ko na ang inyong hiyawan. Namimiss ko na ang inyong palakpakan at namimiss ko na ang inyong mga yakap."

To those who want to sing along, here's the lyrics.

Matagal-tagal na rin tayong hindi nagkikita
Palakpakan at hiyawan ay nami-miss ko na
Mga yakap niyo ay nais na muli madama
Ako'y nasasabik kayo'y makasama

Ang buhay ko'y laan para sa inyo
Magbibigay saya mula sa puso ko

Babalik ako
Ligaya na sa puso ang mapasaya kayo
Babalik muli upang magsama-sama tayo
Ako'y ganyan sa inyo

Marami ng pagsubok ang nalagpasan
Akala ko'y di ko na ito makakayanan
Pagnaiisip ko mga sigaw niyo at tawanan
Muling lumalakas ang aking kalooban

Ang buhay ko'y laan para sa inyo
Mag-bibigay saya mula sa puso ko

Babalik ako
Ligaya na sa puso ang mapasaya kayo
Babalik muli upang magsama-sama tayo
Ako'y ganyan sa inyo

Muli ay may liwanag
Muli ay may pag-asa
Sa bawat Pilipinong magbibigay saya

Muling naririto
At makakasama
Ang handog ko'y ligaya at saya

Babalik ako
Ligaya na sa puso ang mapasaya kayo
Babalik muli upang magsama-sama tayo
Ako'y ganyan sa inyo