ADVERTISEMENT
970x220

Riva Quenery wants justice for Awra

Published Jun 30, 2023 03:44 am  |  Updated Jun 30, 2023 03:44 am
Actress Riva Quenery visited Awra Briguela who was detained by police following his involvement in a melee. On Facebook, Riva shared sadness about what happened to her "most loyal" friend. "Kaninang umaga, tumawag siya at nalaman kong inaresto siya sa Makati dahil sa isang kaguluhan na nangyari. Dinalaw ko siya sa police station sa Makati kung saan siya na-detain at biglang bumagsak ang balikat ko nung nakita ko siya," she started. "Kinwento nya sakin ang sinapit nya matapos nyang ipagtanggol ang kaibigan nya laban sa grupo ng mga lalaking hinipuan ang kanyang kaibigan. Nauwi sa mainit na pagtatalo yung mga sumunod na nangyari na kung saan sinuntok sya ng nasabing lalaki. Nasundan na ng away sa magkabilang grupo hanggang sa dumating na yung mga pulis," she added. Riva then expressed her thoughts. "Isang malaking katanungan lang yung nasa isip ko at ng maraming tao na kung BAKIT SI AWRA LANG ANG PINOSAS-AN AT INARESTO? Nasaan yung mga ibang lalaking na involve sa away? The worst part is, multiple charges have been filed against Awra. Tulad daw ng assault sa pulis, disobedience at resisting arrest. Paano naman magagawa lahat ni Awra yan eh kitang kita naman sa video na hawak na sya ng dalawang naglalakihang bouncer at pinoposasan pa ng pulis," she said. "Nangangatwiran lang naman yung kaibigan ko pero sigurado ako hindi mananakit yun ng otoridad. Nakita ko pa kanina na ang dami nyang pasa sa likod, at may malaking bukol pa sa ulo. Hindi man lang siya sinuri or pinagamot ng maayos," she related. "Saludo ako kay Awra at kilala ko sya bilang kaibigan na kaya ka nyang ipaglaban. Pero bakit kung sino pa ang ang nasa katwiran, sya pa ang ikukulong?" Riva continued: "BAKIT? GUSTO NYO BANG GAWING TROPHY SI AWRA? Laliman nyo naman ang imbestigasyon nyo hindi yung alam nyo nang mali, pinaninindigan nyo pa. So nasaan na yung mga nanghipo sa mga kaibigan ni Awra? Nasaan na yung sumapak sa kanila na kahit may pulis na dumating eh hindi nagsitigil at kay Awra lang lahat naka focus. ACHIEVEMENT BA PARA SAINYO DAHIL SI AWRA ANG NAHULI NYO?" She ended her post with the hashtag: "#JusticeForAwra." Prior, several online personalities rallied behind Awra.

Related Tags

awra riva quenery
ADVERTISEMENT
300x250

Sign up by email to receive news.