Vice Ganda: 'Ang puso ng Madlang People ang TOTOONG TAHANAN natin'
Vice Ganda recently posted a message for supporters of "It's Showtime."
It came after it was announced that the show will be moved to GMA's GTV Channel.
Vice wrote on his statement: "Dear It's Showtime family, Alam kong nagulat kayo. Naguguluhan. Natatakot. Nalulungkot. Naiiyak. Haaaaay! Hingang malalim. May kaguluhan at kabilisan ang mga ganap. Ganunpaman, kalma lang (at least try). Nakakabigla man ang mga nangyayari, sabi nga ng linya ko sa kanta natin, 'Basta't kasama Kapamilya, kahit ano pa 'yan kayang-kaya!'. Sa dami ng mga pinagdaanan natin, kering keri na natin 'to. Naranasan na natin ang ma-torture, mabugbog, ilibing nang buhay. Ngayon pa ba! Tapik na lang to!"
"Madami mang walang kasiguruhan, pero sigurado akong mahal tayo ng minamahal nating Madlang People. At ang pagmamahal na yun ang bumuhay satin sa bawat paghihingalong naranasan noon," he added. Vice declared: "Ang puso ng Madlang People ang TOTOONG TAHANAN natin." "Kaya tuloy lang. Patuloy tayong magpasaya at magbigay ng pag-asa," he related. "Maniwala ka, 'Ituloy lang ang sikap, sa dulo'y kikislap!'. Sa oras ng iyong panghihina at pagkalito ay sasamahan kita. Bubuhatin natin ang isa't isa. Itataguyod kahit anong pagod. 'Di kita iwan. Pahirin mo ang iyong luha. Itutuloy natin ang saya. Dito at doon. Damhin mo ang mahigpit kong yakap. Mahal na mahal kita!" He then ended it with the quote: "Life is fascinating and makes you grateful. When it takes one thing from you it always replaces it with something else."
"It's Showtime" will start airing on GTV beginning July 1, 12 noon. It will also be seen on A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, and TFC from Monday to Saturday at 12 noon.