Ronnie Liang took time to write a long missive to a netizen who commented on a snap of him along with co-reservists Jessa Zaragoza, Dingdong Avanzado, and Richard Gomez with, "Pwedi na silang isabak sa giyera, e assign sa Sulu at West PH Sea."
On Instagram, Ronnie posted, "Ako po ay isang Army Reservist at nais ko pong ipaabot ang aking opinyon tungkol sa isyung nabanggit tungkol sa aming serbisyo.
"Gusto ko po sanang malaman ng lahat na ang aming pagsisilbi sa ating bayan ay hindi lamang para sa display. Bilang isang reservist, maroon po kaming responsibilidad na tumugon sa tawag ng tungkulin kung kinakailangan na walang anuman inaasahang kapalit, Para Sa Bayan (volunteer). Marami po sa amin, kabilang na ako, na naipadala na sa Sulu, ay aktibong sumasagot sa mga tawag ng pangangailangan ng ating bansa."
"Ang aming pagiging kilala ay hindi hadlang sa aming serbisyo at pagmamalasakit. Sa katunayan, ito ay isang pagkakataon para sa amin upang maging modelo sa mga kabataan na maging handang tumugon na maging volunteer, mag tulong tulong at maglingkod sa ating mga kababayan. Sapagkat kaming mga reservists ay naniniwala na walang tutulong sa kapwa Pilipino kundi tayo - tayo din mga Pilipino." Ronnie noted how they all underwent training. "Kami po ay nagte-training upang maging handa sa oras ng pangangailangan. Sa bawat pagkakataon na naitatalaga sa amin, hindi po namin sinasayang ang oportunidad na maipakita ang aming kakayahan. Kung ano po ang aming skills, napag aralan at talento ay bung puso po naming ginagamit para makatulong at makapag lingkod sa bayan, hindi man po kami makapag full time na sundalo dahil may ibang mga trabaho din kami na kailangang gampanan, subalit sa panahon na kailangan ang aming serbisyo ay buong loob po kaming tumutugon dito," he said. "Kaya po sana ay huwag po nating ibaba ang kontribusyon ng bawat reservist, kabilang na ang mga celebrity reservists, sa ating bayan. Ang serbisyo po namin ay hindi lamang para sa pagsabak sa West Philippine Sea (WPS) or sa Sulu, kundi upang maglingkod sa ating bansa sa abot ng aming makakaya kabilang na ang humanitarian missions or disaster response. Maraming salamat po."