TV host Willie Revillame has apologized to Cristy Fermin following his rants on TV alluding to certain critics.
It came after Cristy scolded Willie for reacting rather ballistically over her statement which, she said, was merely taken out of context.
On a recent episode of "Wowowin," Willie related “Na-clickbait ako."
"Napain lang ako na may nagsabi sa akin na, ‘O akala ko ba, nanay mo yang si Cristy Fermin? Bakit sinabi, ang yabang-yabang mo raw?'"
“So, parang naano na ako, yun ang mga dumarating. Kaya ayokong nagbabasa ng YouTube at Facebook na negative. Kaya lang, siyempre nasaktan ako dahil parang nanay ko ho yan, si Tita Cristy."
Willie noted how the entertainment writer has been with him through ups and downs.
“Ilang laban, ilang giyera na kami ang magkasama. Saka yun nga, may nasabi ako sa kanya na hindi maganda kagabi na nasaktan ko ang pamilya niya. Na ang pagkakamali ko ho, e, hindi ko kasi napanood yung kanyang 'Cristy FerMinute' dahil ayoko na ho manood," he said. "Ang pagkakamali ko, nagdesisyon akong magsalita. Ako ho ang nagkamali."
Wilie shared that he already reached out in private to Cristy.
“Nagkausap kami ni Tita Cristy kanina, nagsigawan kami. Nagmurahan kami. Parang mag-ina na nagtatampuhan hanggang humingi ako ng tawad sa kanya at sa mga anak niyang nasaktan," he shared.
“Kung anuman yung nasabi ko ho, e, hindi naman yon pagsusumbat. Yun naman ho, e, galing sa puso ko yung pagbibigay nun (condo unit and kotse). Kaya lang siyempre, dumarating yung point na nasasaktan ka," he explained.
“Tao ka lang, binubugbog ka ng lahat. Pati yung mga tao na natulungan mo dati, pati sila nakikisama (sa paninira sa iyo), hindi mo alam kung bakit."
Willie then went on to apologize to Cristy again.
“Kay Tita Cristy Fermin, Tita Cristy, para mo na akong anak. Para na kitang nanay, humihingi ako ng tawad sa yo. Pasensiya ka na, alam mo naman nag-iisa lang ako. Ilang araw akong nag-iisa sa kuwarto, nag-iisip. Hindi ako nagbabasa nang kahit ano, nag-iisip lang ako. Pero salamat at nagkausap tayo kanina. At sa mga anak mo na nasaktan ko, pasensiya na kayo dahil naging emosyunal ako."
He added: “Ako naman ay nagpapakumbaba sa mga nasasaktan. Ganoon ho talaga, pero wala akong iniisip na pagsusumbat kahit kanino... Tita Cristy, sa mga anak mo, I’m sorry. Galing sa puso ko, I’m really sorry na nasaktan kita."
"Alam ko na ipinaglaban mo ako, ilang giyera na yung nilabanan natin magmula noong nagsisimula pa lang ako sa ABS-CBN, nagpunta ako ng TV5, nagpunta ako ng GMA, nandiyan ka. Kung ano yung nilalapit mo sa akin, hindi kita mahindian. Kung ano yung nilalapit ko sa yo, laging tinutulungan mo ako.
“Again, kay Tita Cristy, sa pamilya mo, sa mga anak mo, I’m really sorry na nasaktan ko kayo. Maraming salamat, ipinagtatanggol mo pala ako.”
Willie ended, “Ito ho, e, lesson learned sa ating lahat, kung may nakikita ho kayong video na ine-edit at sinisiraan yung kapwa natin tao... Sana sa Kongreso at sa Senado, gumawa na kayo ng batas na mapanagot yung mga tao ng paninira na po ng kapwa natin.”