Arnold Clavio on Alex Gonzaga owning up to her mistake
“It takes a strong person to say sorry .”
This is what broadcast journalist Arnold Clavio wrote on Instagram relating to Alex Gonzaga apologizing to Allan Crisostomo.
Recall that the video of the former smearing icing on the latter's face during her recent birthday bash went viral.
Arnold said on his recent post: "Maraming salamat kay Ms. Gonzaga sa pag-amin sa kanyang pagkakamali at sa pagpapakumbaba na personal na humingi ng paumanhin kay Crisostomo."
"Lahat tayo ay dapat magkaroon ng aral sa nangyaring ito. Sa ngayon na natapos na sa kapatawaran ang lahat, baunin natin saan man tayo magpunta - ang mabuting pakikitungo at respeto sa kapwa, anuman ang antas niya sa buhay," he added. "Walang lugar ang panlalait, pagpapahiya at pagmamaliit ng iba. Muli, salamat. Walang Personalan."
Arnold was among those who shared his two cents on the controversial incident when it exploded on social media.
He quoted Kiana Tom's “Treat everyone with respect and kindness. Period. No exceptions.”
"Mga ‘iGan , hindi ako natawa at hindi rin ako natuwa sa inasal ng aktres na si Alex Gonzaga sa isang waiter noong birthday party niya. Aaminin ko, nasaktan ako," he told his followers.
"Bilang dating waiter sa isang fastfood restaurant noong nasa kolehiyo, di ko maatim na hindi mag-react sa maling trato ni Gonzaga sa aking kabaro," he explained.
"Yes mga ‘iGan , halos isang taong mahigit ako na nagsilbing waiter, busboy at cook sa Kentucky Fried Chicken Roxas Boulevard branch noong 1985-1987, kaya ganon na lang ang respeto ko sa kanila hanggang ngayon."
According to him, the said job helped him a lot as a working student.
"Nakapagtapos ako sa University of Sto. Tomas. Nahubog din ako paano makikitungo sa kapwa anuman ang antas niya sa buhay," he related.
"Kaya lagi ko na ipinagmamalaki ang aking karanasan bilang waiter sa mga kabataang mag-aaral. Walang hadlang para makamit mo ang iyong pangarap."
Arnold continued, "At maging sa mga anak ko , lagi kong pinapaalala sa kanila kapag kumakain kami sa labas na igalang at tratuhing mabuti ang isang waiter. Kapalit naman niyan ay mabuting serbisyo."
"Kitang-kita sa nag-trending na video ni Gonzaga na tila napahiya, nasaktan at nainsulto si Mamang Waiter nang pahiran siya sa mukha ng aktres nang bitbit niyang birthday cake."
Arnold reacted then that despite that Alex being known for her quirky sense of humor, everything still has its limitation.
"Kilalang kikay bilang komedyante si Gonzaga kaya nagustuhan siya ng marami. Pero lagi niyang isipin na may limitasyon ang lahat at dapat maging maingat dahil ginagawa siyang huwaran ng kabataan," he said.
"Ang biruang ganyan ay ginagawa ng magkakakilala o magkakaibigan pero hindi sa isang nilalang hindi mo naman kakilala," he pointed out. "Walang lugar na ipahiya mo ang isang tao sa publiko kilala mo man ito o hindi."
"Kung mahihimasmasan na, may panahon pa si Gonzaga na hanapin at personal na humingi ng patawad kay Mamang Waiter. Pagkatapos ay humingi siya ng public apology sa maraming netizen na hindi nagustuhan ang kanyang ginawa."
"Ang pagpuna sa kanya ng marami ay marapat pa ngang ipagpasalamat niya . Lahat tayo ay binibigyan ng pagkakataon na maituwid ang bawat pagkakamali at malalaman lamang natin ito sa mata ng iba."