Sarah Geronimo apologizes to family via social media


In a rare instance, singer-actress Sarah Geronimo opened up about her personal life online.

In a recent social media post, Sarah expressed gratitude to those behind her success.

It also included an apology to her family.

She started: "Hindi ko po ito madalas gawin dahil gusto ko po mapanatiling pribado ang aking personal na buhay pero pinipili ko pong kunin ang pagkakataon na ito para pasalamatan ang Diyos, ang aking pamilya at ang aming mga furbabies para sa inspirasyon na patuloy na maging malakas, masaya, at mapagmahal sa buhay ano mang hirap o pagsubok ang aking harapin."

"Gusto ko rin kunin ang pagkakataon na ito, sa paraan din na ito.. na humingi ng tawad sa aking pamilya na labis na nasaktan sa aking mga naging desisyon sa buhay. Patawad po," she added. "Sa aking mga magulang.. walang hanggan po ang pasasalamat ko para sa buhay na ibinigay niyo sa akin, sa aming magkakapatid."

"Lahat ng suporta at pag-aaruga, ang inyong walang katumbas na pagmamahal, walang sino man ang pwedeng makapagpunan po nito. Mahal na mahal ko kayo.. daddy at mama ko. Araw-araw ko po kayo nami-miss at naiisip."

Sarah reiterated how her family has always been her inspiration.

"Para sa inyo ang aking muling pagyakap sa musika at pagkakataon na muling makapagbigay ng saya at inspirasyon sa ibang tao. Ngunit bilang isang anak at kapatid, para sa akin, ang makasama kayo habang ako ay nabubuhay nang may pagmamahalan at kapayapaan sa atin  mga puso ang tunay na ibig sabihin ng mga salitang tagumpay at kaligayahan. Muli, maraming salamat para sa inyong pagmamahal at para sa inspirasyon. Mahal na mahal ko kayo."

Read her full statement here: