Maricel Soriano on Vice Ganda's traumatic past: 'Baka mabaliw ako'

Diamond Star Maricel Soriano, reacting to Vice Ganda's dark past, said she does not know what to do if that would happen to her family.
Maricel was reacting to a story of VIce Ganda whose family suffered after his father was killed in front of him when he was younger.
Vice Ganda was the special guest of Maricel in her latest vlog, There, the ace comedian asked the actress how she would handle the shocking situation if she was in his shoes.
"Hindi ko alam. Bilib din ako kay mama. Iba rin siya. Doon ako nayanig talaga. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Baka mabaliw ako," said Maricel.
Vice Ganda was asked by Maricel about the part of his he wanted to edit. "Kung ire-rewind mo ang buhay mo ngayon, ano ang gusto mong iedit?" He answered:
"Siguro yung part na napatay ang tatay ko. That was very tragic. It was very tragic.
"Na experience ko yun as a child. For a child to experience that na pinatay yung tatay niya sa harap ng pamilya niya, ang hirap hirap. Araw araw nabubuhay kaming takot. Kasi feeling namin isusunod na kami kasi tinatakot kami nung pumatay sa tatay ko.
"Magigising kami isang araw may nang babato ng bahay namin kasi tinatakot kami nung pamilya.
"Yung mga panahon na yun ang nanay ko ang payat payat na. Ngayon ko lang naunawaan kung ano yung depression. Sabi ko nga nung time na yun, sobrang depression ang inabot ng nanay ko.
"Ang payat payat na ng nanay mo buto't balay na siya. Pabalik balik lang kami sa city hall kasi inaayos namin yung kaso ng tatay ko. Dahil mahirap kami hindi na namin naitaguyod yung kaso. Hindi na namin nabigyan yung hustiya yung pagkamatay ng tatay ko. Sumuko na lamang kami. Ipinagpasa-Diyos na lang namin.
"Tapos umalis na yung nanay ko gusto na niyang itaguyod yung pamilya namin pumunta na siya ng Amerika.Nag-TNT. Lumaki ako ng walang nanay. Wala na nga akong nanay wala pa rin akong tatay.
"Ang daming mapapait sa buhay ko na feeling ko yun ang ugat. Pagni-re-recall ko yun, nabibigatan pa rin ako. No child deserves to experience that. No family deserves to experince that. No wife deserves to experience that.
"Isa rin yun sa mga pinakamalalaking rason kung bakit ang tapang tapang kong tao. Kung bakit ang tatag kong tao. Minsan pag may pinagdaraanan ako iniisip ko yun nga nalampasan ko eto pa kayang mga problemang dumadating sa akin ngayon?
"Malaking bagay yun sa pag-unawa ko sa forgiveness. Kasi yun ang magpapagaan ng pakpak mo para makalipad ka. It wasn't easy for a lot of people to forgive especially kung ganun ang pagkakasala sa'yo," Vice Ganda said.
The "It's Showtime" host has repeatedly stated that he has forgiven the killer of his father.
"Ako I have forgiven that person na pumatay sa tatay ko - full, sincerely and wholeheartedly.
"Kaya ko siyang makita na hindi na ako natatakot sa kanya. Noong nabalitaan ko nga na may sakit siya, sabi ko doon sa kapitbahay namin, kahit sa TV sinabi ko yun eh. Kung nanonood ka, gusto kong malaman mo na pinapatawad na kita.
"For sure kilala niya ako. Alam niya yung nangyari sa akin. Ano na ako ngayon. For sure napapanood ako ng pamilya niya. Kaya sabi ko, kung napapanood mo ako, gusto kong malaman mo na pinatawad na kita. Kasi ngayong matanda ka na at may karamdaman ka na, baka yun ang nagpapabigat sa condition mo," Vice Ganda added.