Cristy Fermin recovers from throat surgery, opens up about cancer scare


Cristy Fermin (YouTube)

For two weeks now, veteran showbiz scribe Cristy Fermin wasn't able to appear on her online shows and radio programs.

This is after she underwent polyp throat surgery.

Upon her return, Cristy talked about her journey.

“Medyo mababa lang po ang aking boses at medyo hindi kailangan na todo-todo ang pagitan ng mga salita dahil ‘ika nga, e, hindi pa po ganoon katindi ang ayos ng ating sitwasyon. Pero maraming salamat sa Diyos. Sobrang salamat sa Diyos," she told her fans in the recent episode of "Cristy Ferminute."

“Alam niyo po, wala pong taong matapang pagdating sa operasyon. Hindi po local anaesthesia ang ginagamit sa ganitong operasyon sa polyp throat operation. General (anaesthesia) po ito," she shared.

“Wala po tayong kalaban-laban oras po na tayo ay in-injection-an na. Kahit po pinakamatapang na emperor, pinakamapangyarihan, sabi ko nga, ipinanganak po siya na walang damit na tulad natin kaya wala pong matapang na tao na sasalang sa operating table. Wala! Wala talaga!"

Though her operation was successful, Cristy said she experienced a cancer scare.

“Humiga na po kayo sa operating table, nakuha na po yung polyp sa inyong lalamunan. Ibinalik na po kayo sa kuwarto. Ang pinakamatindi na babagabag sa isip ng isang pasyente, yung biopsy," she related.

"Napakahalaga po ng biopsy. Dun po malalaman kung ang nakuha sa inyo na polyp ay benign o meron pong kaakibat na cancer cells," she added. "Kapag meron pong cancer cells na positibo, dun na yung payo na magpapa-PET (Positron Emission Tomography) scan ka. Kapag meron kang kanser sa isang bahagi, natural lamang na marami nang kalat sa buong katawan."

Thankfully she was cleared.

"Napakamahal po ako ng Diyos. Napakamahal po ako ng Diyos. Answered prayer po ako. Talagang noon ko pa po ipinapanalangin yung biopsy. Answered prayer po ako. Maraming-maraming salamat... God is good all the time..."

Cristy is also grateful to her supporters.

"Yung pagpapagaling ko, dapat po ‘yan ay matagalan lalo na kung mahina ang kalooban ng pasyente, pero ang dagdag po na lakas ng loob ko ay nagmumula sa inyo," she related.

“Yun po talaga ang nagpadali ng aking pagpapagaling, galing sa iba-ibang bansa. Galing sa Pilipinas, mga kaibigan, mga kapamilya, mga kasamahan sa trabaho, kayo po ang nagpadali ng gamutan ko at ng pagpapagaling ko. Salamat po sa inyong lahat.”

According to her, it wasn't actually easy to recover as she was advised not to use her voice.

“Meron akong white board na may pen. Meron din ako sarili ko na ipinabili para sa mga personal kong gustong sabihin. Kunwari, tubig pahingi o kaya nagugutom na ako. Isusulat ko na lamang po yun. Napakahirap po," she shared.

“Ibang magbiro ang kapalaran. Isipin mo, puhunan ko boses, dun ako nagkaroon ng paghamon. Parang atleta po ako na pinutulan ng isang paa. Parang ganoon po ang nangyari sa akin. Pero talagang laging may Diyos na gumagabay sa atin kapag sinsero po ang ating pagtawag. Kapag talaga pong nagsisikhay tayo at nagpupunyagi para sa ating kaligtasan, wala pong hindi pinakikinggan (ang Diyos)."