Danilo 'Totong' Federez, puppeteer behind Arn-arn, passes away; Arnold Clavio pays tribute


Danilo 'Totong' Federez and his puppet Arn-arn (Arnold Clavio Instagram)

Broadcaster Arnold Clavio paid tribute to Danilo "Totong" Federez, the person and voice behind puppet Arn-Arn, who passed away last Wednesday morning.

Arnold made the announcement on Instagram on Aug. 17.

Marissa, Danilo's wife, told Arnold that her husband did in his sleep.

"Parang may part of me na nawala," said Arnold in his tribute to Danilo, on social media.

Arnold said that Danilo took care of the puppet like a real person.

"Si ‘Totong’ ang kaluluwa ni Arnarn ... Ang kanyang kanang braso ang nagpapagalaw sa kanyang bibig sa tuwing magsasalita," according to one of the hosts of the Kapuso morning show "Unang Hirit."

Arnold said that Danilo got depressed when he was hospitalized late last year. He said that the puppeteer wanted to go back to the morning show, but the broadcaster believed that he was not healthy enough to work again.

His full post on Instagram:

"When I heard the sad news ng pagyao ni Danilo Federez o ‘Totong’ sa kanyang mga kaibigan , noong Miyerkules ng umaga , parang may part of me na nawala ... Ayon sa kanyang asawa na si Marissa , alas - 4:45 ng madaling araw nang iwan niyang mahimbing na natutulog si ‘Totong’ ... Pag balik niya sa kuwarto para gisingin , napakalamig na ng kanyang katawan at hindi na humihinga ...

"Si ‘Totong’ ang kaluluwa ni Arnarn ... Ang kanyang kanang braso ang nagpapagalaw sa kanyang bibig sa tuwing magsasalita ...

Hindi biro ang trabaho ni Totong bilang ‘puppeteer’ ... Ilang oras din siyang nakaluhod pero walang reklamo ... Napaka-professional ni ‘Totong’ sa pagbibigay ng saya sa umaga sa loob dalawang dekada ...


"Saksi ako kung paano inalagaan at iningatan ni Totong si Arnarn na parang tunay niyang anak ... Galit siya pag nakikitang pinaglalaruan si Arnarn ... He treated Arnarn na tila buhay na nilalang ... May respeto maging sa pagpapalit nito ng damit kapag may shoot kami ng OBB ...


"When I visited him sa bahay niya noong November 2019 para sa show ni Jessica Soho (KMJS), sobrang lungkot niya ... Matagal din kaming hindi nagkita dahil sa kanyang matagal na pagkaka-confine sa ospital ... Malaki na ang pagbabago sa kanyang kalusugan ... Maging sa kanyang kilos at paggalaw ... Sinadya kong itago ang pagkagulat at kumilos ng normal sa aming pag-uusap ...

He convinced me na handa na siya at kaya na niyang bumalik sa Unang Hirit ... Sabi ko , oras na bigyan siya ng clearance ng doktor niya, agad-agad ay makakababalik siya ...


"Pero alam kong malabo nang mangyari yun ... At that time , nakita ko na ang blangkong pagtingin sa mga mata niya at naramdaman ko rin ang labis niyang pagkalungkot ...Nagpaalam ako sa kanya na may pilit na ngiti dahil sa bigat ng kanyang situwasyon ...

Si ‘Totong’ ay parang ‘Kuya’ ko na hindi ako nagkaroon ... Sa mga pagsubok , siya ang aking tagapagtanggol ...


"Para kay Arnarn , siya ay bahagi na lang ng alaala ... Hindi buhay , hindi rin patay ... Isang ulila na nilisan na ng kanyang ama ...


"Paalam ‘Totong’ ... Nasa mabuti ka nang kalagayan sa piling ng ating Amang lumikha ... Isang maligayang paglalakbay."