Ruru Madrid almost gave up on showbiz

Published July 2, 2022, 11:53 PM

by Robert Requintina

Ruru Madrid in ‘Lolong’

This July 4, a new hero rises on Philippine primetime TV as Kapuso Action-Drama Prince Ruru Madrid headlines GMA Network’s biggest adventure-serye this year – “Lolong.”

A homegrown Kapuso artist, Ruru is proud to take on the titular role in this latest creation of GMA Public Affairs that tells the exciting tale of a man’s extraordinary friendship with a giant crocodile.

“This is my 10th year in showbiz at ito ang project na ibinigay sa akin. I’m just very lucky at ganito kaganda ‘yung materyal namin, ganito kaganda ‘yung cast. I learned so much from the show,” shared Ruru.

Joining Ruru in this series as his leading ladies are his co-Sparkle artists Shaira Diaz and Arra San Agustin who play the roles of Elsie and Bella, respectively.

Free-spirited and ‘woke’, Elsie is Lolong’s loyal friend. Such friendship will blossom into something deeper that will be tested by various forces. Bella, on the other hand, is a travel vlogger from Manila. Behind her beauty is a mysterious personality that will leave viewers guessing if she is a friend or a foe.

Lolong’s life will be further surrounded by the characters brought to life by the powerhouse cast members composed of Christopher de Leon, Jean Garcia, Bembol Roco, Malou de Guzman, Rochelle Pangilinan, Paul Salas, and Ian de Leon.

Adding more color to the series are Marco Alcaraz, DJ Durano, Mikoy Morales, and Maui Taylor. Set to portray special roles as well are Ms. Gina Pareno, Pokwang, Mon Confiado, Ryan Eigenmann, Leandro Baldemor, and Abby Viduya.

In an exclusive interview with the Manila Bulletin, Ruru also revealed his dreams and lessons learned in his exciting journey to the entertainment industry. The hunk actor also admitted he nearly gave up on showbiz.

Ruru Madrid

Manila Bulletin Entertainment: After two years, “Lolong” is finally happening. How do you feel?
Ruru Madrid: “Finally! Sa totoo lang Sir Robert, of course na feel ko na parang baka hindi na ito matuloy.
Dinaanan din namin yung pandemiya. Noong sinabi po sa akin ang project na ito, 2019 pa, so wala pa pang pandemic nun. I thought baka hindi na siya matuloy, pero biglang sinabi sa akin na tuloy daw. Then bigla naman kaming binagyo ng sobrang tindi to the point na binaha yung studio kung saan kami magshoshoot. So, yung mga ganung bagay po, parang feel ko na baka hindi talaga ito tuloy. Ang dami pong naging problem. Yung anxiety ko andun and I was depressed. Naisip ko rin na baka hindi na nga ito yung tamang trabaho for me. Finally, this is it! Ilang araw na lang po mapapanood na ang “Lolong!”


MBE: Congratulations!
Ruru: “I realized nga Sir Robert na parang everything happens for a reason. May perfect timing talaga ang lahat ng bagay. Kahit gaano siya katagal nadelay, for me it’s all worth it po. This time kumbaga marami akong natutunan dun sa tagal ng paghihintay, na parang mas naging patient ako, ngayon hindi ko tinetake for granted kung anong meron ako. Mas pinahahalagahan ko kung gaano ko kamahal ang programmang ito, at ilang araw na nga lang mapapanood niyo na, so ayun I’m very happy po na finally eto na siya.”


MBE: With more than one million views for the trailer of “Lolong,” that means your fans are eagerly waiting for you and the series. Are your pressured?
Ruru: “I didn’t expect na ganito nila magugustuhan po yung pinaghirapan namin. Kahit papaano may pressure pa rin dahil we’re hoping still na sobrang magustuhan ito ng tao. Yung message po namin kasi na gusto namin iparating sa mga tao is first yung tungkol sa kalikasan natin, kung sino ba talaga yung totoong halimaw. I mean may misconception yung mga tao na natatakot sila sa buwaya. Pero kung iisipin po natin, ang mga buwaya kung hindi naman po natin sila guguluhin, hindi rin naman nila tayo guguluhin. So kanino ba tayo dapat mas matakot, dun sa mga buwaya na iniisip natin na halimaw o dun sa mga taong mga buwaya kapag kumilos? Ang ganda po ng mensahe niya.”


MBE: Are we seeing a different Ruru Madrid in ‘Lolong?’ You have so many action scenes in this series.
Ruru: “To be honest Sir Robert, alam n’yo po, ever since bata ako, kaya po ako nag artista, dahil pangarap ko po maging action star. Noong bata ako mahilig ako manood ng mga pelikula nina Fernando Poe Jr., Robin Padilla, Bong Revilla. Lahat po ng mga action stars dito po sa bansa natin. Yung hilig ko noong bata ako parang uma-acting ako na nakikipaglaban ako, and ngayon na nagkaroon po ako ng oportunidad na gumawa ng teleserye aksyon. Talagang nagprepare po ako for this project. Nagtraining ako ng arnis. We also want to show our culture in this series. Ayoko pong masabihan na hindi talaga ako naghanda. Kaya naman umabot talaga sa punto na napilayan ako dahil ayoko po talaga magdouble sa stunts.”


MBE: Tell us about the challenging scenes in “Lolong.” What can you share?
Ruru: “Nakakapagod po talaga itong show na ‘to. By the way, it’s my 10th anniversary in show business this year. Kasi dito po sa ‘Lolong,’ halos lahat ng ginagawa ko po parang sabi nga nila ano pa ba dito yung hindi ko ginagawa. Simulan po natin sa simpleng pag akyat sa puno ng niyog, talagang inaral ko po kung paano umakyat sa puno ng niyog. Bukod dun lalangoy ako sa ilog, naglalayag po yung speed boat sa may gitna ng ilog, then magda-dive ako, lalangoy ako hanggang pampang. Pagdating ko sa pampang, dederecho ako sa pakikipagfight scenes. Then after that, bigla akong iiyak, so sobrang physically draining po talaga itong project na ‘to. Paguwi ko sa hotel po namin, right after po ng taping namin, magwowork out pa ako, kasi kailangan ko ipagpag yung bigat ng emosyon ko. And then every morning, gigising ako ng mga around 5 am para lang magstretching, para lang tumakbo, para pagdating ko sa set ready na ako. So kaunti lang talaga yung tulog ko dito sa show na to, kahit na po wala kaming taping,
nagtetraining pa rin ako.”


MBE: At what point in your career did you realize you want to become an action star?


Ruru: “It all started po nung ginawa ko yung ‘Encantadia.’ May mga past shows ako na may konting fight scenes, konting suntukan. Laging sinasabi sa akin ng stunt team na puwede raw ako mag-action dahil nakukuha ko yung cinematic na galaw. Sa mga fantasy naman, marami rin akong eksena na nakikipaglaban ako, may mga sword fights. Doon ko na-realize ito ang genre ko. After ‘Encantadia,” ginawa ko po ‘Alyas Robin Hood.’ Ganun din puro fight scenes. I also did ‘Sherlock Junior,’ may mga fight scenes din. And then sabi ko, parang gusto ko gumawa ng teleserye na action pack, punong puno ng aksyon mapasuntukan man yan, mapa arnis man. Eto po pinagkaloob po sa akin ng Panginoon and ng GMA itong ‘Lolong.’ “


MBE: And you’re also a perfectionist when it comes to fight scenes.
Ruru: “Pagdating po sa mga fight scenes, sobrang perfectionist ako dyan. Kahit hindi ko eksena, nakatutok ako. Nagtutulungan po kami pagdating sa action scenes. Minsan nagkakasakitan na pero hindi ako nagagalit kasi part ng trabaho yun.”

MBE: Which is more difficult, doing action scenes or romantic scenes?

Ruru: “To be honest Sir Robert, parang mas gusto ko ng action scenes kaysa sa drama. Not because hindi ko kaya ang drama. Iba po yung pagod sa drama for me. Kasi sa drama, everytime na kunwari may gagawin ako na soap or teleserye na sobrang bigat, hanggang pag-uwi ko sa bahay nadadala ko siya.
Sometimes, naaapektuhan niya yung isip ko, kung paano ako makitungo sa tao. Sa action scenes,
parang pakiramdam ko na naglalaro lang ako. Pakiramdam ko nagtetraining lang ako.”

MBE: This is your 10th year in showbiz. How would you describe your journey so far? Are you enjoying it?
Ruru: “Kung idedescribe ko yung journey ko sa industriya, parang roller coaster. You know to be honest, when I was just starting in show business, nagsimula ako sa ‘Protege,’ dun pa lang competition na. Pero ako, I never competed with anyone sa buhay ko. I always compete with myself, kasi gusto ko maging better every single day. Kasi nung nagsimula ako sa industriya, wala akong talento. I don’t know how to sing, I don’t know how to dance, I don’t know how to act. As in zero at all. Makapal lang talaga mukha
ko, kaya ako naging artista. And yung lang pinanghahawakan ko, feeling pogi lang po talaga
ako. And then, nakalampas ako dun. I want to help my family, gusto ko maiahon ang pamilya ko sa kahirapan, gusto ko mabili yung gusto ko, and then nung nandito na ako sa pagiging artista hindi lang pala dun ang bubuo sa pagiging artista. Kumbaga bonus na lang yung pera. Yung craft at passion dito ko po nahanap and sobrang sarap sa puso everytime na nakakagawa ako ng teleserye, everytime na may mga taong na naiinspire ako. So dun sa journey ko na yun, umabot na ako sa point na gumagawa ako ng ‘Encantadia.’ I felt na parang wala ng makakapigil sa akin, everyone was saying na. You’re gonna be the next Dingdong Dantes, everyone was saying na you’re gonna be the next big star. So lahat po yun napunta sa utak ko. To be honest, lumaki ulo ko. Umabot sa point na pakiramdam ko wala ng makakapigil sa akin, umabot na sa point na pakiramdam ko, ako na yung next big star ng GMA. Because of that, naging kampante ako, naging complacent ako hindi na ako nagwoworkshop, hindi ko pinaghahandaan yung mga bagay like yung mga projects ko, kasi alam ko naman na kahit hindi ko galingan dito, tingin pa rin sa akin ng tao magaling ako. Naging mayabang po ako sa sarili ko, and then siguro parang palo sa
aking ng Diyos or I don’t know, biglang nawala po lahat yun. I mean from ‘Encantadia,’ nawala po lahat yun. My last project was in 2019 pa ‘Toda One I Love.’ Three years po akong naghintay. Sa tatlong taon na yun, syempre bilang aktor pag wala kang ginagawa, pakiramdam mo wala kang kwenta. Sa three years na yun, parang nawalan ako ng gana sa pag aartista, as in ayoko na. Umabot sa point na baka hindi ito yung tamang career for me. Pero binalik niya sa akin yung fire, yung passion, yung dedication sa craft and pinakita niya sa akin yung kahalagahan nito, na dapat never kang magiging mayabang. Kasi sa isang iglap, pwedeng mawala sayo lahat ng bagay na meron ka. So, that’s why ganito na lang yung pagmamahal sa kung anong meron ako ngayon. that’s why ganito yung pagmamahal ko sa ‘Lolong’ kasi ayoko siyang makawala sa akin. So, dun sa journey ko na 10 years, napakarami kong natutunan.”


MBE: What is your advice to young people who want to follow in your footsteps in showbiz?
Ruru: “I would say, hindi ito madali. I mean meron misconception yung mga tao na kapag artista
magpapacute ka lang, magpapapogi ka lang and then kikita ka ng malaki, sobrang hirap po nito. I mean, sabi ko nga once na lumabas ka ng bahay mo, nagtatrabaho ka na, hindi ka pwedeng makitang galit, hindi ka pwedeng makitang nakasimangot, hindi ka pwedeng hindi makita ng maayos. Kumbaga all the time dapat ok ka, dapat ready ka na humarap sa mga tao. But you know, kapag nahanap mo yung pagmamahal mo dito, kung hindi mo kasi mahal ang industriya na ito, hindi ka magtatagal dito kasi napakaraming tao na magbababa sayo, napakaraming tao na sisirain ka hanggang dulo to the point na mawasak na yung utak mo, ulo mo at bibitaw ka na lang. Pero kapag meron kang pinanghahawakan, yung passion mo, yung craft na gusto mo, mananatili ka dito and magdodomino effect na siya. Yun yung lagi kong sinasabi sa kapatid ko kay Rere, na kung ito talaga yung gusto mo kailangan mo mahalin to, kasi kung hindi mo ito mahal, wala rin. Kung tinitingnan mo lang ito dahil sa kikitain mo, or dahil lang sa pera, walang mangyayari sayo. Oo sige bibigyan ka, kumbaga magkakaroon ka ng chance na makatrabaho ng ganyan because of the money, pero hindi lang yun ang bumubuo dun kasi marami din factors dito ang kailangan mong pagdadaanan.”

 
CLICK HERE TO SIGN-UP
 

YOU MAY ALSO LIKE

["celebrities","entertainment","entertainment-news","entertainment"]
[3031973,3062700,3062681,3062671,3062638,3062627,3062602]