FRIENDSHIP NEVER ENDS: Gretchen Barretto gives ayuda to Lolit Solis

In an on-and-off relationship, actress Gretchen Barretto gave popular entertainment columnist Lolit Solis ayuda consisting of high-quality rice and other food products.
Solis broke the good news on Instagram recently.
"Bait ng Gretchen dahil binalikan ang mga nakasama niya sa mundo ng showbiz, talagang give love siya," Solis wrote.
Since the 1994 Metro Manila Film Festival scandal, the two showbiz personalities have been in an on-and-off relationship.

These days, Barretto and Solis are in good terms.
The full post of Solis:
"Naku Salve, dahil umuwi ng province sila Mel at kami lang nila Cel ang naiwan sa bahay, taranta kami. Tumutulo ang bubong, nasira ang ilaw sa garahe, naku talagang buhay very poor ang feeling ko.
"Heto na, dumating ang ayuda bigas at mga delata ni Ms. Gretchen Barretto ha, 7pm lang pero walang ilaw ang garahe at ang dilim dilim. Nagtataka siguro iyon naghatid kung bakit kinakausap siya sa dilim ni Cel, tinatanggap ang bigas at ang box ng mga canned goods pero ayaw magsindi ng ilaw at sa kadiliman sila nag uusap.
"Hay, sure ako na aakalain ng naghatid na hindi kami nakabayad sa ilaw at sure ako na awang-awa iyon delivery man na makita nababalot ng dilim ang bahay ni Lolit Solis. Kaloka talaga, sobra sabay sabay. Helpless pa naman ako dahil wala si Mel na dapat maghanap ng karpintero at electrician , eh emergency naman kasi.
"Huh huh, Salve at Gorgy, ipaabot nyo ang malaking Thank You ko kay Gretchen Barretto na isinali ako sa listahan ng binigyan niya ng ayuda na in fairness ha, mga imported canned goods na hindi tipid, talagang marami. Plus bongga ang bigas, top of the line at class A. Bait ng Gretchen dahil binalikan ang mga nakasama niya sa mundo ng showbiz, talagang give love siya.
"Thank you din kay Francis Simeon na kumuha ng address ko kaya nalaman ni Gretchen. At hindi ako naputulan ng ilaw, nasira lang at aayusin na ang tulo ng bahay ko. Please Gorgy at Salve, HELP ! Help ! Huh huh huh!!! #classiclolita #takeitperminutemeganun #74naako"