Lolit Solit chooses Marian Rivera over Bea Alonzo

Veteran showbiz scribe Lolit Solis has compared Kapuso Primetime Queen Marian Rivera to newly transferred actress Bea Alonzo.
On Instagram, Solis said: "Ewan ko kung biased lang ako, or baka iba ang standard of beauty ko, Salve. Pero lahat ng nagtanong sa akin kung kanino ako mas nagagandahan between Marian Rivera at Bea Alonzo, lagi ang pinipili ko si Marian Rivera."
Lolit said she finds Marian "more beautiful" particularly when she's smiling.
"Parang sincere na sincere at sweet na sweet ang ngiti niya," was how she put it.
"Saka lagi ko siya nakikita na wala pang make up, nakatali lang ang buhok, at iyon parin, beautiful parin siya."
In fact, Lolit even noted how Marian resembled seasoned actress Lorna Tolentino in her younger years.
"...na puwede heavy at light make up, sweet look o sophisticated, very dramatic face nila," she said.
She also applauded how Marian was able to maintain a fit physique.
"Saka si Marian parang hindi tabain, kasi 2 na ang anak pero hayun parin ang katawan, perfect shape parin."
"Well, puwede sa iba ang choice nila si Bea Alonzo, pero ako kay Marian Rivera. Classic ang beauty niya, at lalo nang mawala ang defense mechanism niya dati na parang meron siyang wall sa ibang tao, mas lalo siyang gumanda. Iyon soft glow ng personality niya lumabas. Saka mas nadama mo iyon pagiging natural niya," Lolit then said about Bea.
"Malaki talaga ang nagawa ng inner peace at happiness kay Marian, mas lalo siyang gumanda. Kaya duda ako sa sinasabi nila na maagaw ni Bea Alonzo ang korona kay Marian Rivera. Mahihirapan kahit sino na kunin ang puwesto niya. May matatag siyang hari, si Dingdong Dantes, tapos meron ng prinsesa si Zia, prinsipe si Ziggy, kumpleto. Paano maagaw iyan ? Mahirap di bah? Uwian na, may nanalo na, hah hah hah. Wala ng laban!!"