Yassi Pressman signs off as Alyanna with poem, thanks Coco Martin

Published February 8, 2021, 11:06 AM

by Stephanie Bernardino

Yassi Pressman

Every beginning has an end and every end has a new beginning.

This is how Yassi Pressman sees her journey as she recently gave an emotional farewell to her character in “Ang Probinsyano,” which she played for five years.

“Hindi ko alam kung paano ko sisimulan. Hindi ko rin alam kung magkakasya ba sa isang tula ang lahat ng aking nararamdaman. And dami kong gustong sabihin at tingin ko’y kulang ang salita para mapakita ang tunay na mensahe nitong tula,” Pressman started.

She shared how her life drastically changed when she joined the show as Alyana Arevalo-Dalisay, who became a vital character as she marries the lead star, Coco Martin’s Cardo.

“…hindi lang s’ya basta trabaho na kinailangan kong gawin bagkus naging parte na s’ya ng aking sistema, tumatak na s’ya sa isip ko, sa pagkatao ko,” she said.

Coco Martin and Yassi Pressman

“Dahil na rin siguro sa mainit na pagtanggap sa akin ng mga nakasama ko na tinuturing ko na ring mga kapamilya. Dahil sa kanila naging mas madali ang pag ganap ko sa buhay ni Alyana.”

According to her, breathing life to the character indeed opened so many doors for her.

“Masaya, mahirap, masakit, masarap gampanan ang buhay n’ya. Dinala ako ni Alyana sa mga lugar na di ko aakalaing mapupuntahan ko. Nabigyan ng pagkakataong makilala ang mga taong sumusuporta sa akin ng buo. Makita ang kanilang mga ngiti, mayakap nang mahigpit habang nagbabanggaan ang mga pisngi, dama ko ang suporta nila kahit pa sa malayo. Kaya naman meron po kayong espesyal na lugar dito sa aking puso.”

Then Yassi thanked people who allowed her to be where she is now, from Viva, Dreamscape, ABS-CBN, and her whole family from “FPJ’s Ang Probinsyano.”

Coco also received a special shoutout.

“Sobra po akong nasasabik sa kung ano man pong paparating. Pero hinding-hindi ko po makakalimutan ang nakaraan natin. Magpapatuloy pa rin po ako kasama ang mga taong sa buhay ko’y mahalaga. Maraming salamat sa inyo, sa lahat ng mga nakasama ko sa lungkot at saya,” she said.

“At bago po ako magtapos, may isa pa po akong gustong pasalamatan. Maraming salamat sayo dahil ikaw ang nag-iisang Cardo sa buhay ni Alyana. Mananatili ka pa rin parte ng buhay ko bilang matalik kong kaibigan. Kaya Co, maraming salamat sayo sa lahat ng tinulong at sa lahat ng tinuro mo.

“Ang hirap umpisahan lalo na’t alam kong kailangan ng wakasan. Kaya po sa huling pagkakataon, ito na. Ako po si Alyana Arevalo-Dalisay pagkatapos ng limang taon, nagpapaalam.”

 
CLICK HERE TO SIGN-UP
 

YOU MAY ALSO LIKE

["entertainment","entertainment-news","entertainment"]
[2615275,2704934,2704918,2704891,2704869,2704789,2704767]