Television host Willie Revillame has apologized to the thousands of fans who waited for him outside of the Wil Tower in Quezon City to greet him on his 60th birthday.
Revillame issued the apology in his game show "Wowowin: Tutok To Win" on GMA 7 today, Jan. 28, as he explained what really happened, as reported on GMA News Online.
The police, he said, prevented him from approaching the crowd due to existing health protocols.
Reports said that the crowd waited for the popular game show host to show up from morning of Jan. 27 until past midnight of Jan. 28.
Revillame's explanation:
"Siguro almost 4,000 po ang tao dito na dumating. Eh humihingi ako ng kapatawaran, pasensiya sa inyo, sa pag-unawa dahil alam niyo naman ho na kailangang sumunod tayo sa batas, sa social distancing. Alam ko pong gusto niyo akong mabati, gusto ko ho kayong mapuntahan sana pero hindi po ako puwedeng bumaba. I'm sorry dahil pinigilan po ako ng mga pulis dahil baka po may mangyari pang hindi maganda so iniwasan na po 'yan. Sana maintindihan n'yo po. Kaya nga ho ginawa 'tong 'Tutok to Win,' para hindi na ho kayo bumabiyahe dito, hindi po ba.”
“Kasi ho merong gumawa ng fake news na mamimigay daw ako. Mahirap ho gawin 'yan kasi alam n'yong may batas na sinusunod tayo. So humihingi ako ng paumanhin sa mga nagpunta dito, sa mga nanay, lola, okay, sa mga binata, dalaga, kumpleto, may mga anak pang sanggol. Meron pang mga kariton na may dalang aso at mga anak. Pasensiya na kayo, hindi ito ang panahon para gawin natin 'yan 'di ba, para ho hindi tayo magkahawaan. Hindi natin masabi, baka may dumating diyan na merong sakit, magkakahawaan tayo.”
“Pasensiya na kayo hindi ko ipinagdadamot 'yung oras na puwede ko kayong makasama at mayakap. Hindi ho. Sa totoo lang, nakahanda akong bumaba pero pinagsabihan po ako na hindi po pwede… pero hindi ko kayo iniwan, hindi ako umalis naman. Pansensya na ho kayo, humihingi ako ng . Pero 'wag kayo mag-alala. Eto pangako ko sa inyong lahat, once na matapos itong pandemiya na 'to at pupuwede tayong magsama-sama ulit, makikiusap ako sa pamahalaan, kung hindi man dito sa Quezon City, maaaaring sa Maynila, maaaring sa MOA, sa Araneta.. siguro mas maganda sa open 'no, sa Luneta, gagawa ako ng programa na handog para sa inyo, isang selebrasyon po. Kaya ipagdasal nating lahat na matapos na po itong pinagdadaanan natin, hindi lang po dito sa ating bansa, sa buong mundo.
“'Wag kayo mag-alala, tuloy-tuloy ho. Ang importante ho walang nangyaring masama, naging safe kayo sa pag-uwi niyo. 'Yun po. Pasensiya na kayo. Humihingi ako ng paumanhin sa lahat ng pumunta dito. It's about almost 4,000 po na tao. Again, sorry. 'Wag kayo mag-alala, 'pag natapos 'to, may magandang regalo naman ako sa inyo.
“Pasensiya na kayo. Basta magtulungan tayo. 'Wag na ho kayong gumagawa ng fake news. Kawawa naman ang ating mga kababayan, galing po ng iba't ibang lugar… Mahirap po eh, baka magkaproblema pa. Basta pangako ko sa inyo, matapos lang 'tong pandemiya na 'to, ma-solve lang 'tong problemang 'to, isang programa kami at lalong gagawa ako ng paraan na makagawa ng kasiyahan para sa inyo. Maraming salamat po.”