THRILLMAKER: Pilar's picks


At a glance

  • The seasoned movie reporter has written for some of the country’s biggest publications during their heyday: Kislap, Modern Romances, Bulaklak, True Confessions, and Jingle.


pila1.jpeg
Pilar Mateo

I used to watch her on TV whenever I would tune in to showbiz-oriented talk shows that were so in vogue when I was still a kid in the 80s.  Early on in my life as a movie fan, she made an impression on me for being both feisty and sensible as an entertainment reporter joining a panel to grill the biggest artistas at that time.  As a media professional, I truly was starstruck when I finally met her in the flesh during last year’s birthday celebration of Philippine Movie Press Club President Fernan de Guzman.  The night I met her at the party started what has now become one of my “real” and “sincere” friendships with a member of the movie press.

Tita Pilar Mateo and I recently agreed to see each other for lunch at the Newport World Resorts’ Garden Wing Café, where I thought I would ask her some of the showbiz questions I have kept inside of me all these years.  Now 64, she recalls how she started her over four decades of romance with the Philippine Showbiz industry.

“I started in 1980, right after graduation.  I am the daughter of Renato del Prado, who was popular in portraying the role of Guido in Anna Liza.  I finished AB Journalism in UST and I have been covering the local showbiz industry for 43 going on 44 years now,” she declared, recalling how she started in the industry. 

The seasoned movie reporter has written for some of the country’s biggest publications during their heyday: Kislap, Modern Romances, Bulaklak, True Confessions, and Jingle.  Her beginnings as a movie reporter turned out to be a true baptism of fire.  She was assigned to cover some of the “more difficult” stars then.  She shares:

“Unang sabak ko sa writing, binigay sa aking assignment mabigat: Maricel Soriano and Dina Bonnevie.  Binigay sa akin yung dalawang mataray.  Sabi sa akin, interviewhin mo yan, hanapin mo.  Inuna ko si Maria.  Kasi mahirap interviewhin si Maria nun, kasikatan nya.  Sabi ko sa daddy ko, daddy samahan mo ko sa Broadcast City.  Sinamahan naman ako.  Naghintay kami dun sa Broadcast City, sa taping ng John and Marsha.  Sabi nung laging lumalabas na waiter sa John and Marsha, sino po ba hinihintay nyo?  Si Maricel sana eh, iinterviewhin nitong anak ko, sabi ni daddy.  Ang sabi sa akin nung aktor: Naku ineng, mamumuti ang mata mo, hindi mo makikita si Maria.  Bakit naman po, tanong ko.  Andyan si ano eh, (Maricel’s boyfriend at that time).  So talagang hindi ko na-interview si Maria nun.  Ang hirap!  Pinuntahan ko ang Lola Mary nya sa Kamuning.  Yun ang ininterview ko!”

Her experience with Dina Bonnevie was likewise traumatic.  “Hinanap ko bahay ni Dina Bonnevie.  Dyan sa may Kamuning yan eh.  Nagpa-appointment naman ako sa Manager or PR nya.  Doorbell ako, pinapasok.  May swing, pinaupo ako sa swing.  Hintay ka po diyan sabi nung maid.  Sa harap ko may sasakyan at naghahanda kasi paalis na at may shooting.  Feeling ko, bakit ganun? Parang di alam na pupunta ako dito.  Tapos biglang narining ko, boses.  Sabi nung boses: Sino ba yan? Ba’t ka nagpapasok ng ganyan? Mamaya manakawan pa tayo nyan! Dun pa lang naiyak na ako.  Sabi ko bakit ganito itong artista na ito? Ayun, umiyak ako habang umuuwi ng bahay.  Nagsumbong ako sa tatay.  Next day, pumunta ang daddy sa bahay nila.  Ang humarap tatay ni Dina.  Wala sya nasa shooting.  Nagsorry yung tatay nya.  Basta ang sabi ng tatay ko, di ko po pinagtapos ng pag-aaral ang anak ko para lang po bastusin,” the thought still brings Pilar to tears to this day. 

Good thing, she eventually managed to become friends with both actresses.

pila2.jpeg

Given the long time she has stayed in the industry, I also asked her who her real and honest picks are when it comes to certain character categories of celebrities.  These are the ones who made it to Tita Pilar’s Honor Roll:

PRETTIEST FACE OF ALL TIME- Hilda Koronel.  Wala nang kwestiyon dun.  Hanggang ngayon.  Next siguro sa kanya, si Kristine Hermosa, kaso di na sya nagsho-showbiz ngayon. 

MOST HANDSOME ACTOR – Ang dami!  Nung time na nagsisimula ako, si Gabby Concepcion ang pinaka-gwapo.  Matinee idol, heartthrob.  Hanggang ngayon nga ganun pa rin ang mukha nya.  Syempre si Piolo.

THE SEXIEST SEXY STARS – Yung mga babies ni Papa Jesse Ejercito.  Lorna and Alma.  Sila yung naglaban nun talaga eh.  Sa lalaki, si Richard Gomez.  Di ba tinawag nga syang Brown Adonis?  Tapos si Cesar Montano na, nung nag-Machete na siya.

KINDEST – Si Ace Vergel.  Bad boy yung image pero pag nakilala mo siya ang bait nun.  Tumira din ako sa bahay niyan eh.   Siya saka si Rudy Fernandez.  Totoong tao? Si Aunor.  Yun ang what you see is what you get.  Ang dami ko nang naranasan sa kanya hanggang dulo.     

BEST ACTRESS – Nora Aunor.  Sa dami na namang mga proyektong ginawa nya, inaktingan nya.  Lahat ng roles nya.  Kinilala na sya sa buong bansa.  Naging National Artist pa dahil nga sa trabaho nya.  Pagdating sa trabaho niya, mahusay si Nora.  Mahusay din si Ate Vi kaya lang syempre may kanya kanyang kakayahan sila.  May husay si Aunor, may husay din sya.

BEST ACTOR – Boyet.  Papa Boyet and Phillip Salvador.  Tie yun.  Kasi mga Brocka proteges yan eh.  Tingnan mo yung Cain at Abel.  Magkaiba sila ng acting dun.  Pareho ang magnitude ng acting nila dun pero pareho silang magaling dun. 

MOST GENEROUS – Si Ninong FPJ.  Si Daddy Dolphy.  Si Ace Vergel.  Top three.  Si FPJ, pag gusto ka nyang makasama, syempre di mo naman laging nakakasama ang hari, di ba? Me time lang na ipapatawag ka niya.  Pagka nakipag-inuman ka sa kanya, may bodyguard, aabutin ka ng umaga.  Ang maganda kay FPJ, yung usapan natin dito, stays here, walang lalabas.  Kaya ang respeto ng press kay FPJ, ganun na lang.  Sa babae, si Ate Guy.  Pero pinaka-galante sa kanila, si Sharon Cuneta.  Pinakamalaking nakuha ko sa kanya, cheke.  Basta!  Yun na talaga yung pinakamalaking regalong natanggap ko sa kanya nung nagkasakit ako noon.  Si Arnell Ignacio din at si Yul Servo. 

Given her wisdom and wealth of experience in the industry, Pilar knows exactly what the movie industry needs the most at this time.   Here’s her most ardent wish for the world she has learned to love all her life:  “Bumalik sana lahat sa sinehan ang tao.  Kasi nakikita naman naming hindi rin biro yung pagod ng mga producer, ng mga artista, ng mga nagtatrabaho sa isang proyekto para makagawa ng matinong pelikula.  Tapos hindi papansinin ng tao.  Bumalik sana tayong lahat sa sinehan.”