WTFu (What the FU) by MR. FU: Colleen’s comeback

Published April 20, 2021, 8:45 PM

by Mr. Fu

Collen Mateo

Colleen Mateo’s dream was to be a respectable news anchor/reporter. (na-try ko yan, pero waley ako napala!) She tried pursuing an opportunity at a radio station in the AM Band, but she landed on a popular FM network.  (may pag-landing ang ate nyo!)

“Ang paniniwala ko nuon, kapag DJ ka, dapat maganda ang boses mo, e maganda lang ako! Char! (laughs) Pero eto ang unang nagbukas ng pinto so bakit hindi i-grab diba? Nag-audition ako and the rest is history.  I do believe in the saying “Just go with the flow” “whatever opportunity ang dumating, go grab it girl! You’ll never know what you’re capable of until andyan ka na! Sabi nga, mas bongga ang plano ni LORD kaysa sa plano nati,.” Colleen explains. (makapag-pa-grab nga ng opportunities!)

For years, she used the airname: “Kristinedera” (so asan na sya?!) “Nasa ibang planeta na! Charotttt! (laughs) Matagal na s’yang namayapa, year 2018. So patahimikin na natin ang kanyang ala-ala.” (ay, parang Rustom Padilla lang!)

Colleen took a break from radio in 2018 but decided to be back on air early this year via 91.5 Win Radio and with a radio name “Mama Colleen” (magkasama na kami sa win radio ng lola nyo!)

“Once a DJ is always a DJ. Hindi ko makita ang sarili ko na iba na ang magiging mundo ko. I always love entertaining and inspiring people. Iba ang pakiramdam kapag nakakapagpasaya ka ng mga tao sa simpleng pamamaraan mo. Isa ito sa platform na ang hirap bitawan. Platform that is so powerful that I can use to inspire and spread Good vibes. Masyado nang maraming nega na nagaganap sa Earth, so andito tayo para kahit paano, pagaanin ang sitwasyon at emosyon ng mga taong nakikinig sa atin,” Colleen says. (kulang nalang ialay natin ang ating mga sarili sa listeners!)

The 33-year-old  Mass Communications graduate from the Lyceum of the Philippines considers her radio career a learning experience. (ako ata ibang experience ang meron ako!)

“Marami na kong narinig na iba’t ibang stories ng mga listeners ko, and from their stories, ang dami kong natutunan. Kapag may mga panahong meron akong pinagdadaanan, binabalikan ko ang mga istorya nila na minsan, mas mabigat pa sa pinagdadaanan ko and realized na marami pa ring dapat ipagpasalamat. I also learned to be more realistic. Kasi kapag totoo ka sa kanila, mas minamahal ka nila,” Colleen shares. (minamahal nila ako pero di jinojowa! Chos!)

Colleen airs Mondays to Fridays, 6 pm-9 pm. (kab-ack to back ko ang bakla bilang 9 pm -12 mn naman akey!) “Basta si Mama Colleen ay ang “Ang Cool Mama ng Philippine Radio”. Kapag narinig mo kasi ang salitang “MAMA”, alam natin na s’ya ‘yong someone na malalapitan natin anytime, any day, any situation na hindi ka huhusgahan, bagkus willing ka n’yang tulungan. Someone that you can trust, someone na komportable kang humingi ng advice without judgment, someone na hindi traditional mom, but a cool and millennium mom. Kaya nga MAMA COLLEEN KNOWS BEST! Willing to share my knowledge on things or kung ano-ano pa ‘yan! Pero hindi ako mahilig mag-sugar coat. I will be honest with you, at maririnig mo lang ang TOTOO at hindi fake news, ganern!” (minsan mag-collab tayo. tawagin nating FU-COL! Medyo masagwa pero rock!)

(MR.FU hosts on 91.5 Win Radio, 9pm-12mn, Mondays to Fridays, Twitter/IG: @mrfu_mayganon. FB: Mr. FU the Star DJ. Youtube/Patreon: WTFu)

 
CLICK HERE TO SIGN-UP
 

YOU MAY ALSO LIKE

["celebrities","entertainment","entertainment-news","entertainment"]
[2680231,2700155,2700129,2700116,2700109,2699986,2699941]