WTFu (What the FU) by MR. FU: The boy in boxers


Ron Angeles

Ron Angeles never thought he would be in showbiz, but opportunities led him to the entertainment world. (parang I want to be part of your world bro!)

“Honestly being an artist is not my dream but luckily this was the first opportunity that came into my life. Nagstart ako sa isang model search, tapos nagtheater ako. Nagextra extra sa mga teleserye at commercial tapos napunta ako sa Bidaman ng It's Showtime. Narealize ko gusto ko na maging artista kasi gusto ko ng bagong venture sa buhay ko. Gusto ko din na mapanood ako ng mga taong mahal ko sa TV at movies. Gusto ko makapag pasaya ng tao.” Ron shares (napapaligaya mo ko bro!)

He even had a controversial photo that went viral on line. "Nung simula ng pandemya, nakaisip ako ng business. Yung chicken wings. Yung tropa ko po na bibili ng chicken minamadali ako na ibigay yung order nya. Naka park lang sila sa labas ng bahay. Kaya bigla akong lumabas and sabi nya picture kami. So ayun nag picture kami nang naka boxers lang ako. Tapos kinabukasan nag trend na yun (laughs).” (naka-save yan sa photo gallery ko!)

The 22-year-old Financial Management graduate from New Era University has been a favorite talent for BL series recently. (mag-BL na tayo bro!)

“Nakaka-lima nako ang BL series. Professional naman ako pagdating sa work at nagpapasalamat ako sa mga BL series kasi kahit papaano dyan ako nakikilala, lalo na yung "BenXJim". Kaya kapag may BL pa na I aalok sakin tatangapin ko pa din.” Ron says. (may offer ako sayo bro. tara.)

His latest BL project is from BragaisTV titled "Limited Edition.” Ang role ko dito is third party medyo aggressive po ako dito pero darating yung panahon na mag babago din ako para sa taong mahal ko.” (parang mahal na ata kita bro.)

Ron admits acting in this kind of film genre is challenging. “ Kapag may mga love scene sa kapwa actor, kinakausap ko talaga mga BL actors na kaibigan ko. Kasi wala naman akong experience sa ganyan. Lagi lang nila sinasabi na, just put yourself to the character. Alisin mo yung sarili mo at isipin mo sino yung pino portray mo and siyempre kailangan din ng bonding para mawala yung pagiging awkward namin sa isat isa." (pwede kong alisin mga inihibitions mo. halika.)

He is more than willing to continue doing sexy roles in the future but he has his limitations. (willing ako sa lahat ng gusto mo bro!)

“Hindi ko naman kaya yung frontal nudity. May mga restrictions din po akong sinusunod sa talent management ko, at sa religion. Kaya ko yung mga topless, boxers, at love scene din sa babae. “ (wag na muna yang sa babae! tayo muna dapat magkaeksena bro!)

(MR.FU hosts on 91.5 Win Radio, 8pm to 12mn, Mondays to Fridays. Twitter/IG: @mrfu_mayganon. FB: Mr.FU the star dj. Youtube/Patreon: WTFu)