Kris Aquino promises to help Anthony Taberna after his trusted person stole millions from business


Kris Aquino

Queen of All Media Kris Aquino has vowed to help broadcaster Anthony Taberna after she learned that one of his employees stole the earnings of his restaurants.

"Nag message na ko kay Sel… maaasahan nyo ang ninang nyo," said Aquino on her comment.

Lately, Taberna and his family encountered challenges in life, including his daughter's battle with leukemia.  

READ MORE: https://mb.com.ph/2020/12/03/anthony-taberna-reveals-daughters-battle-with-leukemia/

"2020: 16 days ka na lang!!! Pinakamabigat na dinaanan namin sa taong ito ay ang karamdaman ni Zoey. Habang pinapasan namin ito ay pumutok ang Bulkang Taal at dumating ang pandemya na humampas nang husto sa Ka Tunying’s at sa mga umaasa rito. Nakakatindig naman kahit paano dahil sumusuweldo pa ako noon sa ABS-CBN pero nadale naman nang hindi maaprubahan ang franchise sa Kongreso. Pero okay pa rin. Pagsubok lang yan. Ngiti pa rin. Nakatindig pa rin. Tapang-tapangan, lakas-lakasan," he started. 

Anthony Taberna and wife Rossel Velasco

Taberna said that he was heartbroken when his trusted employee embezzled the company's money.  

"Nadiskubre namin na ang taong aking pinagtiwalaan, ako pala ay matagal nang pinagnanakawan!," he shared. "Ang pera ng kumpanya, namadyik niya at naidirecho sa sarili niyang bank account. Hindi maliit na halaga, milyong piso na mula sa paghihirap ng mga empleyado ng Ka Tunying’s - tama po, habang nagtitiis sa hirap ng pagtatrabaho ang mga panadero, kusinero, serbidor at serbidora, driver, janitor at iba pa, siya naman pala ay nagpapakaligaya sa perang hindi naman sa kaniya."

Anthony has vowed to face all these challenges that came his way.

"Naghahanap kami ngayon ng KATARUNGAN. Tulad ng unti-unting paggaling ni Zoey, tiwala rin kami na makakabawi at hindi babagsak ang kumpanya. Oo nga at nahihirapan kaming lahat ngayon sa Ka Tunying’s pero hindi kami basta susuko. Malakas ang loob namin dahil may mga taong tumatangkilik at nagmamahal sa amin at sa Ka Tunying’s. Hindi ko tatalikuran ang maraming umaasa rito na mga empleyado at kanilang pamilya. Pagsasama-samahin namin ang lakas namin at ang pagtangkilik ng publiko taglay ang inspirasyon ni Zoey sa amin. Higit sa lahat, sasandal ang aming tiwala sa Panginoong Diyos at manghahawak sa pangako na hindi Niya tayo pababayaan," he said.

-