Cristy Fermin calls out Liza Soberano for being 'ungrateful'


Veteran showbiz Cristy Fermin has joined the furor relating to Liza Soberano's now controversial "This Is Me" vlog.

She admitted to being upset after watching the whole thing.

She said, "Alam mo ako'y nalulungkot. Hindi ako nagagalit. Nalulungkot ako para kay Liza. Sa kasaysayan po ng pelikula, nagkaroon po tayo ng Superstar Nora Aunor, Star for All Seasons Vilma Santos, Megastar Sharon Cuneta, and Diamond Star Maricel Soriano, at iba pang personalidad na naabot ang kanilang mga pangarap. Never po tayong nakarinig ng anumang salita sa mga binanggit naming artista na noong sila po ay nagsimula sa pagharap sa kamera, sila ay ninakawan ng sariling personalidad, ng kanilang kaligayahan, ng kanilang pagkatao, ng kanilang kalayaan - wala po."

“Puro pagpapahalaga po sa kanilang karera ang ating narinig at nabasa at napanood. Bukod tanging itong Liza Soberano na ito ang nagsabi ng puro reklamo! Puro reklamo!”

Cristy went on to share her two cents on Liza's now trending revelations.

“Isipin mo i-vlog na noong siya raw po ay nag-artista, alalahanin daw po natin na 16 years old palang daw po siya e umaarte na siya at 25 na raw siya ngayon. At ang sabi po niya ay ninakawan siya ng freedom, ng happiness, ng childhood at ang sabi pa niya, ‘I've earned the right to be me.’ Ngayon daw - kumbaga pinag sakripisyuhan niya daw po yan at ngayon daw ay siguro naman ay maintinidhan na natin na mayroon na siyang karapatan ngayon na maging siya, parang ganu'n," she said.

The host pointed out how Liza was well-supported by the people around her - from ex-manager Ogie Diaz to her former home network, ABS-CBN.

"Inalagaan siya ng husto. Pinuhunanan siya. Perang puhunan para sa kanyang pelikula. Pero anong reklamo niya, i-isang tao lang daw ang pinareha sa kanya, tatatlong direktor lang daw po ang paikot-ikot na humawak sa kanya at paulit-ulit daw po na ganu'n lang ang istorya sa mga teleseryes na ginawa niya. May utang na loob po ba ang ganitong klaseng tao?," Cristy asked, relating: "Hindi pinahahalagahan ang paghihirap at sakripisyo ng mga taong tumulong sa kanya para maabot niya ang kanyang pangarap."

She said Liza could have expressed her feelings through her manager if there were issues then.

"Nandyan ang manager niya para sabihan niya at maging boses niya. Para kung ano yung sinasabi niya na hindi binigay sa kanya - di makapamili ng damit, gagawin, at ng kanyang sasabihin. Kumbaga kino-control na lang daw po siya," she said.

"Nakakalungkot ka Liza Soberano. Napakaraming artista sa kasaysayan ng pelikula at telebisyon na nagtagumapay na pinahalagahan ang kanilang gagawin."

Cristy then declared: "Walang utang na loob itong batang ito! Ito pala ang tunay na dahilan kung bakit ka umalis ng Pilipinas. Gagawin mo pang sangkalan ‘yang Hollywood, na butas ng karayom ang lulusutan mo bago ka makapasok. Gagawin mo pang mga katuwiran ang kung anu-anong blah-blah-blah. Eto lang pala! Ayaw mo pala ‘yung mga pinagagawa sa‘yo ng Star Cinema, ng ABS (-CBN). Ayaw mo pala ang pamamalakad ng manager mo. Ayaw mo pala lahat ‘yun? Binura mo na pala lahat ‘yun sa pagkatao mo bilang artista."

“Wala kang utang na loob, hindi ka Pilipino! Tamang-tama lang na ang citizenship mo ay Amerikano ka pa rin hanggang ngayon!”

Cristy maintained how she sees Liza's statement as mre ranting.

"Yung pinuhunanan pala sayo na panahon, salapi, atensyon at pag-a-alaga ... baliwala rin pala yun sayo. Nagrereklamo ka pa ngayon. Saan ba nanggaling ang lahat ng meron ang pamilya mo ngayon?," she continued. "Ikaw lang ang tanging artista na naringgan namin na nagreklamo sa ibinibigay na magandang oportunidad sa iyo ng iyong manager at ng iyong production."

She noted how millions of young individuals were dreaming to be where she was.

"Na sana nabigyan din sila ng kay ganda-gandang oportunidad na tulad ng ibinigay sa iyo - na hindi mo pinahahalagahan. Nakakalungkot ka, nakakapanghinayang ka. Nakakalungkot pa ang mga ginawa mo sa industriya. Isipin mo yan, binigyan ka ng pagkakataong makilala, sinisisi mo pa production na tatlong director lang ang pinahawak sayo, na i-isang lalaki lang, si Enrique Gil, ang tinambal sa iyo, maryosep, nasayo na ang lahat. Binigay na sayo, gusto mo pang makuha ang higit sa pinapangarap mo. Nakakaloka itong batang ito."

https://youtu.be/tzhQFOhuzl0