Cristy Fermin to Willie Revillame: 'Mag-isip ka muna bago ka magsalita'


Cristy Fermin

Veteran showbiz scribe Cristy Fermin has schooled TV host Willie Revillame, who went ballistic over people, who he claimed were out to destroy him.

On a recent episode of "Cristy Ferminute (CFM)," the entertainment writer revealed she was indeed referring to Willie.

But she explained her side about her "mayabang" comment to Willie, which made him furious.

According to her, she immediately sent a text message to Willie after that.

"Ang sabi ko, ‘sana lang, pinanood mo nang buo ang mga sinabi ko sa 'CFM' tungkol sa yo," she shared. “'Yung terminong 'mayabang' sinabi ko yun. Pero iba pala ang interpretasyon mo."

“'Kahapon, ipinagtanggol pa naman kita tungkol sa ABS-CBN. Bago ka magsalita, mag-isip ka muna. ’Pero kung gusto mo ng giyera sa kabila ng pagmamalasakit ko sa yo, nakahanda ako.’ Tatlong exclamation marks po yun, all caps po yung, ‘NAKAHANDA AKO,'" Cristy added.

Her message prompted Willie to call her.

“Dahil po dito ay tumawag siya. Unang sagot ko pa lang, hindi ko alam kung paano ko ilalarawan ang mga salita ko. Lahat siguro ng mga binitiwan kong salita kaninang umaga, patungkol sa kanya bilang sagot, yung mga bagay na ayaw niyang marinig na sa unang pagkakataon ay pinatikim at pinalasa ko sa kanya," she said.

Cristy noted: “Unang-una po mga kapatid, pinaka-ayoko po yung nanunumbat. Sabi ko nga, mantra ng buhay ko, anumang ginagawa ng ating kanang kamay, hindi na dapat pang ipinapaalam sa kaliwa."

“Ngayon, kung tutulong po tayo at isusumbat pala natin pagdating ng panahon, huwag na lang tayong tumulong. Yun lang naman yun," she added.

“Dahil hindi po tama, parang column, title pa lang ang naririnig, nagwawarla na. Title pa lang ang nababasa, nagwawala na, hindi muna tingnan ang kabuuan.

Cristy also said she didn't like Willie's revelation that he gave P10,000 monthly assistance to some reporters at the height of the pandemic.

“Huwag ka na lang tutulong kung pagdating pala ng araw isusumbat mo lang," she added.

“Hindi, kasi ganito kasi yan, e, ako ang binibira. Ako ang binibira ng mga tao,’ dahil sa pagsasara daw ng AMBS," Willie replied.

Cristy answered: “Bakit hindi mo alam na magsasara na ang inyong istasyon?”

“Wala raw kumakausap sa kanya. Tumatawag daw siya, wala raw gustong makipag-usap sa kanya. Yun ang sabi niya. Sabi ko, ‘Ikaw na lang ang hindi nakakaalam. Hindi tama yan. Dapat kausapin mo sila.’ Araw-araw daw po siyang tumatawag pero walang may gusto makipag-usap sa kanya.”

“Ang akin lang po ay ganito, ‘Hindi mo pala napanood nang buo, itong 'CFM' ng February 6 at February 7, kahapon, magwawarla ka na kaagad? Magsasalita ka na kaagad ng kung anu-anong panunumbat?’"

Cristy went on to share the history of the condominium unit and the car that Willie gave her.

“Ang akin lamang po ay ganito, bago magsalita, huwag maging pigsa na malayo pa ang karayom ay pumuputok na at pumuputak. Hindi tama yun. Hindi tama yun. Maling-mali," she said.

"Anumang nagawa natin sa ating kapwa, huwag nating isinusumbat, huwag nating isinusudsud, dahil ako ang paniniwala ko, ang tumutulong sa ating kapwa, kapag tayo ay tumulong sa ating kapwa, nagpapautang tayo sa Diyos. Yun ang akin."

Cristy said she never helped someone just to use it against them in the future.

“Hindi ko naging ugali kailanman ang magbigay ng tulong na isusumbat ko pagdating ng panahon. At inuulit ko, Willie Revillame, hindi kita sisiraan dito, kung yun ang iniisip mo. Para mapatunayan ko sa yo kung ano ang tunay na pakahulugan ng salitang pagmamahal at pagmamalasakit.”

She then explained what was behind her "mayabang" description.

“Ako’y nagpakatotoo lamang po. Magiging sinungaling po ako sa publiko kung sasabihin ko na hindi mayabang si Willie Revillame. Ako’y nanay-nanayan, siya'y anak-anakan. Alam ko po ang gilas ng ugali ng bawat taong malapit sa akin," she also said.

“Pero hindi ko po sinabi na mayabang si Willie dahil ipinagmamalaki niya na binayaran niya ng cash yung dalawang chopper niya. Na binili niya yung eroplano niya, yung yate niya, yung mga mansion niya.

“Hindi ko po yun sinabi, dahil hindi naman talaga niya yun ipinagmamalaki. Hindi natin yun maasahan sa kanya.

“Mayabang siya sa porma, sa pananalita na kapag may bago siyang papasukin na anumang paghamon, excited na excited na excited siya, yun yun."

Cristy noted: “Kaya kung hindi mo napanood nang buo, kung hindi mo nasaksihan ang resibo, huwag kang nagsasalita, diyan ka laging naiipit. Dapat, pinanonood mo nang buo para malalaman mo kung may malasakit ba yung nagsalita o wala. Yun lang yun.”

She admitted feeling hurt over the harsh words of Willie.

“Nakakasakit po ng damdamin. Sinabi ko raw na mayabang siya. Walang utang na loob? Anong dapat kong tanawing utang na loob sa yo, Willie Revillame? Magbilangan tayo. Magbilangan tayo ngayon," Cristy said.

“Ano ang dapat kong tanawin na utang na loob ko sa yo? Masakit sabihin, masakit marinig, nagkatulungan tayong dalawa."

Cristy reiterated they're not indebted to each other.

“Hindi ka rin dapat tumanaw ng utang na loob sa akin. Wala rin akong dapat tanawing utang na loob sa yo dahil kusang-loob kitang minahal bilang anak-anakan, kusang-loob kitang tinulungan," she said. “Ikaw din naman, binigyan mo ako ng tiwala na hindi ko inaasahan, nagkatulungan tayo, hindi tayo dapat magsumbatan."

She also reminded: “At ang mga reporters na tinulungan mo nung pandemya. Ako ang nag-ukilkil sa yo na kailangan silang tulungan dahil mahirap ang buhay. Hindi mo dapat isumbat sa kanila yun. At sila ang mga working press na kapag nalalagay ka sa alanganin, siya mo ring tinatakbuhan."

“Hindi ako papayag na ang aking mga hanay ay mamaliitin ng kahit sino. Kaya Willie Revillame, mag-isip ka muna bago ka magsalita. hindi tama yung buga ka lang ng buga pagkatapos hindi mo naman pala alam ang kabuuan.”