Vince Tañada on alleged Cory Aquino scene in 'Maid in Malacañang:' 'Sana hindi na nilagay'


Vince Tañada is among those disturbed seeing former president Cory Aquino being depicted as playing mahjong with nuns in "Maid In Malacañang."

He told DZRH, "Sana hindi na nilagay ni Darryl Yap. Dahil yun ang sa palagay kong walang dahilan."

"Yung nag-ma-mahjong yung mga madre kasama si Cory Aquino - yun po ang sa palagay ko napaka sakit na ilagay ng isang alagad ng sining gamit ang poetic justice or artistic license. Kasi sa palagay ko po, tayong mga alagad ng sining may responsibilidad naman po tayo. Hindi naman po basta bira lang ng bira."

Vince said he made time to watch the film to know exactly what it is all about.

"Talaga pong pinanuod ko kasi po baka ma-englighten ako sa gustong sabihin nung director. Siyempre pinanuod ko po ng mahusay at sabi ko nga sa sarili ko 'Nobody can ever invalidate the personal experiences of the Marcoses.' Kasi kung yun yung naramdaman nila nung 72 hours bago sila umalis, bakit ko naman (ku-question-in?)."

In a separate interview with the same radio station, Vince also talked about Juliana Parizcova Segovia relating his alleged "libelous" posts.

He said: “Sana naman po, huwag po tayong mamihasa na hindi totoo lagi yung mga binabalita. Kasi, iyan na po tayo nagiging kultura na po tayo ng fake news. Lalung-lalo na po yung mga nagpapakalat ay meron na po talagang imahe na puro peke ang mga ikinakalat na mga balita. Sana po, magkaroon na po ng aral yung mga nagpapakalat na 'yan."

“In fact, nakikipag-usap na po ako ngayon sa aking… kasi alam niyo naman po na ako ay abogado din. At ang sabi ng aking mga partner dito sa aking law firm, yung ipinalabas na post nitong dating nanalo sa Ms. Q&A na si Juliana ay totoong libelous, ano," Vince added.

“Talagang ito ay may malicious imputation para makapanira, na hindi naman talaga maganda, ‘no? Dahil ang libel ay isang krimen na dapat parusahan. Kaya nag-uusap-usap ang kampo po namin kung ano ang mga susunod na hakbangin dahil hindi po siya tumitigil hanggang sa ngayon."

According to him, he doesn't understand where Juliana is coming from.

“Siya po ay hindi po namin alam… naunawaan ko po yung sitwasyon nina Darryl Yap dahil sila ay person of interest. Pero itong si Juliana ay nagtataka ako, wala naman siyang… hindi naman siya kasali sa pelikulang Maid in Malacañang, pero nakikialam siya at nagsasalita sa mga ganitong bagay," he related. “Kaya pag-uusapan po namin ‘yan kasama ng aking mga partners dito sa aming law firm.”

Recall that a few days ago, Juliana posted an article doubting the success of "Katips" at the 70th FAMAS Awards.

Coincidentally, it also hit the theaters same as "Maid in Malacañang."

And Vince reiterated that he sees no problem with it.

"Wala po akong nakikitang mali sa pagsabay po namin sa 'Maid in Malacañang' dahil wala naman po tayong moloponya. Even nung araw po, pre-pandemic, kung meron ang Regal, meron po ang Star Cinema, meron po ang GMA Films. Kaya wala po akong nakikitang mali kung isasabay po namin dahil kami naman po ay namili ng tamang date dahil wala po ngayong malakas sa Hollywood films. Ang meron lamang po ay Filipino films at nakita po namin na mukhang mas may laban kami sa Filipino kaysa du'n sa Hollywoods sa mga susunod na linggo."