Carla Abellana breaks silence on Tom Rodriguez

Published June 16, 2022, 2:19 PM

by Stephanie Bernardino

“I was disrespected. I was betrayed. I was lied to. I was used. I was shamed. I was made to look so stupid.”

This is actress Carla Abellana’s explanation to netizens seemingly eager to see her reconcile with estranged husband Tom Rodriguez.

One said: “And my comment was removed hahaha. Bakit? Takot ka mabasa na hypocrite ka. Wag ka magbait baitan kasi Hindi ka mabait.”

Carla replied: “Ayaw ko lang po ng negativity.”

But another online user interjected, writing: “Ayaw mong negativity sana d ka na lang nag like sa mga nega comments kay tom, sana nung nagka problema kayo sana hindi ka nag igs na humihingi ka ng tulong?”

The said netizen even advised Carla to fix her marital woes privately.

“Sana nag usap na lang kayo, hindi yung hindi mo kinakausap tapos ngayon may balita nag aasikaso ka ng annulment. Inaamin naman ni tom nagkamali sya pero d naman po ata tama na natiis nyo sya na hindi kausapin. Sana hinayaan mo syang magpaliwanag, kaya lang marami ng nakisawsaw, like noon yung isa sa mga bff mo nag igs about narcissist, tapos may mga fans si tom na sinasabi narcissist ka. Sana man lang po mag usap kayo ng maayos ng asawa mo.

“kaya sguro nag post si tom kasi nagsawa na sya sa kahihintay na kausapin mo sya. Hindi po kayo magkaka peace of mind kung d kayo nag uusap mag asawa. Kung gusto mong maging masaya ka mag usap kayong mag asawa,sabihin mo sa kanya lahat ng hinanakit mo hindi yung dine deadma mo sya.”

Carla then responded:

“Opo, nag like po ako, pero yun lang po ang ginawa ko. Hindi ko na po yun inulit. Nag like po ako pero hindi ko po ginawa ng paulit-ulit at ng matagal. Ang taong lubos na nasaktan hirap pong pigilang hindi ilabas ang galit sa anumang paraan. I was disrespected. I was betrayed. I was lied to. I was used. I was shamed. I was made to look so stupid.”

“Kung sana hanggang dun lang po makakabangon din po ako balang araw. Pero para gawan pa po ako at ang pamilya ko ng mas marami pang kasamaan at kataksilan sa mga sumunod na araw, linggo at buwan, sobra sa sobra na po ang sakit at pagdurog ng puso at pagkatao ko.”

Carla pointed out she gave her all for Tom.

“Wala po akong ginawang masama kay Tom. Wala po akong ibinigay kay Tom kundi tunay na pagmamahal, respeto, pag-aalaga, pag-aaruga, pag-unawa, pagtitiis, sangkatutak na pagpapatawad, milya-milyang pasensya, paniniwala, pagtiwala, pag-aasikaso, pag protekta, lahat lahat na,” she noted.

“Binigay ko po buong buhay ko sa kanya. 7 na taon po akong bawal magalit, magtampo, masaktan, mabigo, malungkot, madismaya dahil hindi po pwede. Makakatikim po ako kahit subukan ko pong ipaliwanag sa kanya na nasasaktan niya ako at hindi po tama ang mga ginagawa niya. Paulit-it ko pong pinapaalala sa kanya na hindi po ako kalaban at mabuti po ang kalooban at intensyon ko. 7 na taon pong naipon sa loob ko lahat yun. Gustuhin at kailangan ko man pong ilabas, lubos na nakakakatakot po.”

Carla shared how she even encouraged Tom to seek help.

“Ilang beses ko po siyang hinikayat na magpatingin, magpagamot at magpagaling dahil yun din po ang gumana sa akin. Pero wala parin po. Tinanggap ko parin po siyang ng walang pagdududa kahit wala pong pagbabago. Hinarap ko po siya sa altar. Buong puso po akong determinadong alagaan ang pagsasama at pagmamahal namin, at panindigan ang mga sinumpaan namin sa harap ng Diyos,” she said.

“Sa dami po ng binigay ko kay Tom wala na pong natira sakin. Galit, pride at ego ko siya narin po ang kumuha sakin at hinayaan ko naman pong kunin din po niya.”

The Kapuso star maintained she fought for their relationship.

“Pinaglaban ko po siya ng lagpas sa 7 na taon. Kahit po kung tutuusin wala pa po yung pag like sa iilang comments na yun kumpara po sa nagawa niya sa akin at sa aming lahat, at sa lahat-lahat pa po ng ginawa niya at ginagawa niya,” she said.

“Sa lala po ng sakit, pambabastos, panloloko, pandudurog, paninira, panggagamit at pagtataksil po niya, mga tinago niya, napakadali pong ibalik sa kanya sa paraan ng pagganti. Pero hindi po ako ganun. Hindi po ako bobo. Hindi po ako lalaban kahit tapak-tapakan na po ako ng husto.”

“Hindi po ako mababaw. Hindi po ako masamang tao. Kung ano po ang nakikita, naririnig at nababasa ninyo online ay kakarampot lang po ng hindi po ninyo nakikita, naririnig at nababasa kapag wala pong kahit anong camerang naka record.

“Kapag sarado na po ang pinto sa pamamahay po namin at wala na pong ibang nakakakita. Hindi po ako masamang tao tulad ng sinasabi, nararamdaman, naririnig at nakikita po ninyo online, sa TV, etc. . Pinalaki po ako ng nanay at lola ko na marunong rumespeto, umunawa, magmahal, magpatawad, magpasalamat, magpakumbaba, at higit sa lahat may takot po siya Diyos.”

Tom is still silent as of writing.

 
CLICK HERE TO SIGN-UP
 

YOU MAY ALSO LIKE

["celebrities","entertainment","entertainment-news","entertainment"]
[3020692,3027712,3027645,3027653,3027477,3027450,3027438]