Lend a hand to those in need

Published December 25, 2018, 10:21 AM

by Francine Ciasico

By Vice President Leni Robredo

Mahigit dalawang libong taon na ang nakalipas mula nang ipinanganak si Hesukristo sa panahon ng kadiliman at kaguluhan. Pero nagawa ng isang sanggol, kasama ang dala niyang ilaw at pagmamahal, na magbigay ng bagong pag-asa, lalo na sa mga api at nagdadalamhati.

Vice President Leni Robredo graced the annual Christmas party of the Philippine Children's Medical Center (PCMC) for 64 patients treated by its pediatric dentistry department, held at the PCMC building in Quezon City on Wednesday, December 12, 2018. After giving a brief message, VP Leni checked on the condition of the patients and committed to provide medical and livelihood assistance to some of the children and their families. (Photo by OVP)
Vice President Leni Robredo graced the annual Christmas party of the Philippine Children’s Medical Center (PCMC) for 64 patients treated by its pediatric dentistry department, held at the PCMC building in Quezon City. (Photo by OVP)

Ngayong Kapaskuhan, mapupuno na naman ng galak at pagkakaisa ang ating mga tahanan. Magsasama-sama ang mga mag-anak at kaibigan na matagal nang hindi nagkikita. Magsasalu-salo tayo sa pansit at hamon sa Noche Buena. Maririnig ang walang humpay na kuwentuhan, upang ipagdiwang ang pagdating ng ating Tagapagligtas.

Sa gitna ng lahat ng kasiyahang ito, isapuso natin ang tunay na diwa ng Pasko. Matatagpuan natin ito sa kuwento ng mga ordinaryong taong gumawa ng mga kahanga-hangang bagay noong pinakaunang Pasko. Isa na rito si Jose na piniling alagaan si Maria at ang kanyang sanggol. Si Maria na mapagkumbabang sumunod sa utos ng Diyos. Ang mga pastol na nakinig sa boses ng mga anghel upang salubungin ang pagdating ni Hesus.

Kumuha tayo ng lakas mula sa kanilang halimbawa, sa panahong pasan ng ating bayan ang bigat ng maraming pagsubok, katulad ng mataas na presyo ng mga pangunahing bilihin. Ipamalas natin ang ating tunay na pagka-Pilipino: hindi lalabnaw ang ating mga ngiti at hindi lalamig ang ating pagmamahal. Hindi natin hahayaang matalo tayo ng hamon ng panahon. Lahat ng pagsubok ay lalampasan; lahat ng hidwaan ay wawakasan.

Sa panahong patuloy na umiiral ang galit at awayan, sa panahong tila hinihila tayo palayo sa mga bagay na dapat nagbubuklod sa atin, piliin natin ang tama alang-alang sa mga kababayan nating nangangailangan. Higit kailanman, ngayon nila tayo kailangan. Huwag nating hayaang may maiwan. Bawat buhay ay mahalaga; bawat Pilipino ay may karapatan sa binibigay ng Diyos na kaligtasan.

Tayo ang lakas ng bawat isa. Nagagawa nating posible ang imposible dahil sama-sama nating tinutupad ang ating mga hangarin.

Isang Maligayang Pasko po sa inyong lahat, mula sa akin, at sa aking mga anak.

 
CLICK HERE TO SIGN-UP
 

YOU MAY ALSO LIKE

["news"]
[2527695,2814292,2534630,2485825,2408462,2358243,2358052,2344118,2339143,2047660,1998697,996820,995332,995948,995006,994327,994303,993947,993860,993770,993529,993383,993285,798318,2845765,2845768,2845754,2845752,2845749,2845746]