Vince Tañada on Suzette Doctolero’s ‘Katips’ review: ‘Salamat…’

Published August 13, 2022, 10:45 AM

by Stephanie Bernardino

Vince Tañada, creator of “Katips,” commented on GMA creative writer Suzette Doctolero not being able to finish watching the film.

On Facebook, Vince posted an art card bearing Suzette’s thoughts on “Katips.”

It read: “One hour and 10 mins lang pinanood ko.  Sorry, hindi ko na talaga kinaya kasi confused yata ang filmmaker kung ano ang gusto niyang ipakita dito sa movie kaya parang nags*ls*l na hindi yata nilabasan…”

Vince wrote as caption: “Nakakalungkot lang na sa babae pa nanggaling ‘yong ganyang mga salita. Yun na nga, kaya siguro ‘di ka nilabasan kasi ‘di mo tinapos yung palabas. Pero, salamat sa pagbili ng ticket ha, at least ngayon alam mo nang binibili at hindi pamigay ang ticket namin.”

Note that the creator of “Encantadia,” “Amaya,” and “My Husband’s Lover,” among others, admitted she was being “unfair” to the film giving her two cents about it despite not being able to finish it.

So she watched it again in its entirety.

Here’s her review:

“Ano ang value ng isang bad movie sa opposition?  At pakikibaka ng mga anti? Wala. Ito pa nga, sa palagay ko, ay naging kapansanan.

“Kinumpirma lang kasi ng badly made movie na ito ang impression ng marami na puro ingay at magugulong anay lamang ang mga aktibista. Kaysa ipakilala’t ipamahal sila at yakapin ng masa at ituring na mga anak, na mga bayani: kasi nauunawaan na ng masa ang kanilang inilalaban pero HINDI.  Bigo ang pelikulang ito sa ganitong aspeto.

“Tanging mga nanood na aktibista lamang (at mga nagpapanggap na nagandahan pero ang totoo ay palihim na nauyam) ang makaka appreciate. Walang nakuhang recruit mula sa 31m, na siya sanang tinarget na audience (kaysa sila sila uli).  Lalo’t natatandaang kong ibinida ng fillmmaker na nais niya raw mag educate ng masa.

“Isang pagkakamali, sa unang eksena pa lang, inassume ng filmmaker na alam ng lahat ng mga taong manonood kung ano ang kaganapan noong Enero?  Lalo’t big deal na pinag uusapan ng mga tibak yung importanteng araw ng January (ito ba yung madugong pangyayari sa Mendiola? Ewan. Sila lang ang nakakaalam). Kaya’t ang karaniwang audience (kung hindi aktibista) ay nakatunganga, nagtataka, ano ang pinag uusapan ng mga magugulong characters na ito??! Ano ang ipinaglalaban? Bakit sila lumalaban? Ano sila? Sino sila bukod sa kanilang mga gawain at pangalan?? Hindi ito sinasagot maski sa mga sumunod na eksena.

“(Hindi nakatulong na ginawa ang eksena sa bundok, may rally sa bundok??  Mas maganda ito sa kalye.  Pero simbolismo ata ang bundok, ewan sa kanila).  

“Bakit ang isang gurong mulat ay nagkaroon ng anak na clueless at utak kolonyal na hindi? (Kasing confused ng babaing character na ito ang 3/4 ng movie).  Anong klaseng ama ang guro na ito?  Na naturingang may mataas na kamalayan pero may anak na may mababang kamalayan?  Hindi ko naiintidihan.

“Sa dami ng bida, wala akong nakilala. Parang isang bungkos ng walis tingting ang naratibo rin ng kwento: na isinabog at wala nang pumulot. (Dito na ata nag decide ang filmmaker na mag artista na lang kaysa idirek at isulat ng maayos?)

“Lalong hindi ko naiintindihan kung bakit hindi masabi-sabi ng mga hindi ko kilalang characters kay amerkanang hilaw, na patay na ang tatay niya. (Spoiler na ito). Ah, kasi hindi pa buo ang love story.  Need munang mag loving loving yung dalawa (kasi ang sagwa na alam mong patay ang tatay mo tapos nakikipag lambingan ka). Iniraos muna ang love story at saka ipinaalam. Bad scripting. Sa ganitong punto, palagay ko’y tila yata naligaw na rin ang sumulat ng iskrip.  

“Caricature ang mga characters at one dimensional.

“Disjointed ang mga eksena. Parang tipaklong na talon nang talong from one scene to another, na walang koneksyon sa isa’t isa. Hindi ko rin alam kung bakit ang mga aktibista na mulat, makabayan, bayani ay nakadamit pang Hollywood sa ilang song number. Bakit?? Anong ibig sabihin nun? Tila yata may disconnect at di tamang representation sa visual image at characterizations?  At this point, isinisigaw ko na sa isip ang salitang ¥€$%#. Tila ako nagpepenetensya sa panonood (bakit ko inulit??).

“Nakakahinayang ang pelikulang ito.

“Na base sa isang stage play na hindi nagawang i-adapt sa pelikula at bigyan ng katarungan. Magkaiba kasi ang medium.  Mas mabait ang stage play (lahat ay pwedeng idaldal).  Hindi gaya sa pelikula, na kailangang ipakita ang mga eksena sa pinaka creative at epektibong paraan.  May palagay ako na mga bagito sa paggawa ng movies ang nagdirek at nagsulat kaya sabog ang pelikula. Hindi ko alam kung bakit nanalo ng mga awards. Dyos na lang marahil ang nakakaalam.

“Tunay na missed oppurtunity ito.

“Ang isang magandang pelikula na ukol sa unang sigwa, ang siya sanang magpapaliwanag kung ano ang inilalaban, ng mga  taong mas pinili ang manindigan kaysa magbulag bulagan.

“Kung nailatag lang sana ang kwento sa mas malinaw na paraan, kung nag focus sa isa o dalawa lamang na bida (at ang iba ay mga support na lamang). Kung Sana’y isinabay ang audience sa pagkamulat ng character kaysa inassume na alam ng lahat kung ano ang isang aktibista. At inilalaban.  

“Nagkaroon na lamang ng saysay sa bandang patapos na, kasi naman ay tortyur na matindi’t rape, at may betrayal. Dito na lamang nabuhay ang gaya kong nacomatosed na audience. Dito na lamang nagbalik ang damdamin at naawa sa biktima ng human rights. Itong bandang dulo lang talaga ang highlight.  

“Idinaan sa shock value ang movie kaysa nagkwento ng isang malungkot at masaklap na love story ng isang tao sa kanyang iniibig na inang bayan.  

“May nagsabi na baka nais raw maging Les Miserables ng pelikula? Lalo’t musicale din. Ang difference: napaka emotional ng Les Mis, pinamahal sa audience ang characters sa umpisa pa lang (at swabe ang pagkukwento ng simula ng French revo).  Di gaya dito sa Katips, wala ako pake sa mga bida, sa dulo na lang ako naawa sa mga characters.

“It’s a bad, ugly at confusing movie.

“Wala siyang naitulong para eeducate ang masa kung ano ang kamalian ng martial law.  Sila sila lang nakaintindi.   Nabigo ang pelikula na maging liwanag sa dilim. Ito mismong movie ay isang malaking dilim.

“At kaunti lang siguro kaming magsasabi ng totoo, na ito ay panget. Kasi marami ang mananahimik dahil maganda naman daw ang layunin ng movie.  Ang magmulat sa mga walang alam at nabubulagan.  Ang problema: hindi matagumpay na naitranslate sa pelikula ang mabuting layunin. Ito ay nanatili sa isipan lang ng filmmaker.  

“Advice: mas maraming magandang movie ngayong Cinemalaya, mas doon na lang isugal ang pera. O kung gusto manood ng ukol sa activism: watch Liway (indie movie ito) at saka Dekada 70 (mainstream).   Mas matino sila.

“(Ps. Pwede ninyo rin akong gantihan at sabihang panget ang mga isinulat ko.  Wala akong pake.  Siguraduhin ninyo lang na ako nga ang may akda at maraming nagkakamali na  ako raw ang may gawa pero mali.  Kalowka).”

Vince is yet to issue a rejoinder as of writing.

 
CLICK HERE TO SIGN-UP
 

YOU MAY ALSO LIKE

["celebrities","entertainment","entertainment-news","entertainment"]
[3062022,3093637,3093470,3093333,3093306,3093245,3093235]