Jennylyn Mercado, Dennis Trillo officially endorse VP Leni Robredo


In a lengthy social media post, actress Jennylyn Mercado cited reasons why she and her husband, actor Dennis Trillo, are rallying behind Presidential candidate, Vice President Leni Robredo.

She wrote: "Hello Bessies! As you know, kakapanganak ko pa lang sa bagong miyembro ng family namin ni Dennis— our very first baby girl! Thank you Lord for this answered prayer and thank you sa inyo na nagpaabot ng pagbati. Sobrang naappreciate namin ni Dennis."

"Iba yung saya na nararamdaman namin sa pagdating ni baby 'D' pero nariyan din siyempre ang kaba at pag-aalala dahil eleksyon na sa darating na May 9. Aaminin ko stressful para sa akin ang nangyayari sa bansa natin ngayon kaya pinili ko manahimik muna at magfocus sa aking pagbubuntis (bawal mastress sabi ni doc!). Pero syempre hindi rin maari na hindi ako manindigan lalong lalo na ngayon na may bago akong silang na anak."

The mother of two then related the importance of the upcoming election.

"Kinabukasan niya ang nakasalalay dito e," she said, referring to her newborn baby girl.

"Sinuman ang mananalong mga opisyal ng gobyerno ay may mahalagang papel na gagampanan sa buhay ng anak namin sa loob ng anim na taon na sila ay manunungkulan sa pwesto. Anumang magagawa nila sa anim na taon na iyon ay magbibigay daan sa kung ano ang mundong kanyang kakagisnan oras na siya ay nagdalaga na at mag-isa ng hinaharap ang mundo."

Jennylyn then listed down her hopes for her children.

"May maayos kaya silang plataporma para sa edukasyon? May magsusulong kaya ng batas para mas maprotektahan ang kanyang karapatan bilang bata? May maayos ba silang programa sa kalusugan? Maging maayos kaya ang palakad nila sapat para maging ligtas ang kapaligiran? Kung maari lang gawing perfect ang mundo para sa anak natin, gagawin natin di ba? ‘Lam nyo yan mga mommies at even daddies. Pero, reality is, we can only do so much as parents," she said.

"Kung ako tatanungin, gusto ko mabuhay ang anak namin sa lipunang malaya, ligtas, at puno ng pagmamahal," she added. "Gusto ko maranasan niya ang buhay na maginhawa, tapat, at may dangal."

"Gusto ko manirahan siya sa bansang umiiral ang katarungan, iginagalang ang karapatan ng bawat tao, at pinapangalagaan ang kalikasan pati na ang mga hayop.

"Gusto ko lumaki ang anak ko na ang future bessies niya sa LGBTQIA+ community ay malayang nagmamahal at tumatamasa ng pantay na karapatan sa mata ng batas.

"At higit sa lahat, gusto ko mamuhay siya na walang takot at pangamba dahil nirerespeto siya bilang isang babae."

Jennylyn reiterated: "Iginagalang, kinikilala ang kakayahan, hindi nililimitahan, at hindi binabastos."

Then, she later declared that this coming May 9, she plans to vote for Leni as the President, deeming the latter as her co-"ultimate survivor."

"Ultimate survivor siya bilang single mom na mag-isang nagpalaki ng kanyang tatlong mahuhusay ding mga anak," she related. "Ultimate survivor din siya sa paglilingkod at nakapagpatupad pa rin ng mga programa para tulungan ang sambayanan sa kabila ng kakulangan sa budget ng kanyang tanggapan."

"At siyempre, ultimate survivor siya sa labang ito para sa pagkapangulo dahil naniniwala ako that she is the best choice for the job. In the end, the last man standing is really going to be a woman. Naniniwala ako doon. Puno ang puso ko ng pag-asa lalo pa’t ngayon pa lang nai-inspire nya na ang libo libong Pilipino na magkaisa at isulong ang mas maayos na Pilipinas."

She ended her post by encouraging her fans to do so too.

"Tara na bessies, sama sama nating ipanalo ang halalang ito para sa lahat ng Pilipino. Let’s go out, vote, and make the Leni-Kiko tandem our ultimate choice sa balota."