Sharon Cuneta slams trolls, haters who flood her pages with rude comments

Published October 14, 2021, 1:20 PM

by Robert Requintina

Sharon Cuneta

Sharon Cuneta expressed disappointment after trolls and haters swarmed her page when she started to post about Vice President Leni Robredo and her running mate, Sen. Kiko Pangilinan.


Sharon has called on netizens to show respect as she urged the public to choose leaders who fear God. Kiko is the husband of Sharon.


Her full post on Instagram:


“I was already expecting lots of trolls and haters to descend on this page once i posted about VP Leni and Kiko. Sadly, this is what this present administration has created and instilled in our people.


“Now, lumalabas na ang pagkabastos at pagkawalang disente ng marami sa ating mga Pilipino. Kundi na tayo marunong rumespeto sa isa’t-isa, paano tayo rerespetuhin ng mundo? Nasaan na ang tunay na bayanihan?


“Noong araw, nagrerespetuhan tayo ng kanya-kanyang paniniwala at kandidato pag kampanya at eleksiyon na. Magkakitaan na lang sa kung sinu-sino ang mahalal.


“Ngayon, ganito na – bastusan. Yan ang dapat ma-erase. Maibalik sana natin ang ating pagkadisente at pagiging kagalang-galang. Piliin ninyo ang mga pinuno na may takot sa Panginoon – yung hindi tinatawag ang Diyos na “STUPID.”


“Ang walang paniniwala sa Panginoon ay nakakatakot mamuno, dahil ang diyos niya ang ang sarili niya. Pumili kayo ng mga walang bahid ng korupsyon, may tapat na hangaring makapaglingkod at protektahan tayo.


“Hindi yung wala na ngang trabaho ang mga kababayan natin, gutom na wala pang ayuda, ang bakuna kulang na nga pinababayaran pa – pero ang mga di makasagot kung saan na napunta ang bilyong-bilyong piso na napunta sa Pharmally pero kitang-kita ang mga magagarang sasakyan at biglang pagyaman ng mga kasali diyan, yun ang pinagtatakpan at pinoprotektahan.


“Magising na po tayo. Di na makausad ang Pilipinas! Tama na ang pambobola sa atin. Tama na ang pinagtatawanan ang Pilipino ng mundo. Naway tulungan tayo ng Panginoong Diyos. God bless us all po!”

 
CLICK HERE TO SIGN-UP
 

YOU MAY ALSO LIKE

["celebrities","entertainment","entertainment-news","movies","entertainment"]
[2837839,2848858,2848809,2848666,2848546,2848469,2848409]