WTFu (What the FU) by MR.FU: Ford’s future in showbiz

Published March 23, 2021, 2:49 PM

by Mr. Fu

Ford Valencia

It has been two years since Ford Valencia and his group mates from BoyBandPh decided to pursue solo careers. (parang gusto kitang i-pursue bro!)

“Natapos na rin ang kontrata namin, kaya naisipan naming magkanya-kanyang buhay na muna at marami rin kasi kaming gustong gawin sa aming sarili na alam naming magiging rason para madevelop pa ang aming kakayahan. Maayos naman yung paghihiwalay naming sa grupo,” Ford explains. (pag tayo, di ako hihiwalay sayo!)

But BoyBandPh will always have a special spot in his heart: “Madami akong natutunan. Ang buhay kasi ng isang grupo ay iisa. Ang pagkakamali ng isa ay pagkakamali nyo nang lahat. Unity, cooperation, patience at lawak ng pagunawa ang kailangan mong isipin at ugaliin kapag may kagrupo ka. Di ka pwedeng maging makasarili.” (di nako magsasarili pag nandyan ka bro! samahan mo ko!)

Ford is now giving his best shot as a solo performer. “Challenging ito kasi wala nang sasalo ng mga bagay na di mo alam. Ito ang pinakamahirap na part. But being a solo artist will help you grow more. Masaya na nakakakaba dahil maraming mata sa paligid at maraming bibig na magbibigay ng magagandang salita, at kaya ring sugatan ang iyong isip at damdamin. Kailangang maging matatag na lang talaga.” (basta wag mo akong sasaktan at susugatan bro!)

He is currently promoting his single titled “Pwede Ba?” “Ginawa po ito nina Jojo Bragais and Esther Gandul na mapapakinggnan sa 25 streaming platforms.” (so pwede ba tayo bro?)

The 27-year-old singer hopes to penetrate the acting department in the future. (pero tayo may future na ba bro?)

“Sa acting, dream role ko yung maging isang detective na kayang lumutas ng mga kaso di na kailangang gumawa ng dahas sa eksena. Tipong utak lang ang gamitin sapat na. (laughs)” Ford shares. (ay pag tayo magkaeksena lagyan ng konting dahas!)

But he admits, he doesn’t see himself doing daring roles. “I’m not into sexy roles or yung mga tinatawag nilang BL series dahil di naman po ito ang pinangarap ko sa showbiz, yung acting in general. Pero mahal ko po ang LGBT community – kaibigan at kakampi nila ako. Hindi ko lang talaga nakikita ang sarili ko sa mapangahas na roles. Pero kung magugustuhan ko ang kwento ng proyekto at makabuluhan, di ko po tatanggihan as long as di masasayang ang pagkakataon sa buhay ko at di ko pagsisisihan bakit ko sya ginawa. “ (pag ako ang kasama mo, di ka magsisisi bro!)

His determination to be successful in the entertainment industry is the focus of his life now. (pero kailangan kita bro…)

“Career po talaga muna. Wala po akong GF as of now. Pero kung may darating ang hanap ko lang sa isang babae ay yung “spark between our hearts” na kailangan kong maramdaman. Hindi na ko humihingi ng classification sa isang babae kasi di na basehan sa akin yung mga standards ko noon.” Ford says (ay ako ang darating bro. may bitbit akong spark, isang box!)

(MR.FU hosts on 91.5 Win Radio, 8pm to 12mn, Mondays to Fridays. Twitter/IG: @mrfu_mayganon. FB: Mr. FU the Star DJ. Youtube/Patreon: WTFu)

 
CLICK HERE TO SIGN-UP
 

YOU MAY ALSO LIKE

["celebrities","entertainment","entertainment"]
[2655373,2705435,2705426,2705415,2705405,2705379,2705378]