Her place in history

Rep. Arlene “Kaka” Bag-ao, impeachment prosecutor
By RACHEL C. BARAWID, ANGELO G. GARCIA, RONALD S. LIM, JASER A. MARASIGAN and IVY LISA F. MENDOZA
January 8, 2012, 1:35am
On her awakening social realities: ‘Galing sa probinsya, nakita kong ang daming mahihirap sa Maynila. Parang ang daming mali.’ Photo By Richard Viñas
On her awakening social realities: ‘Galing sa probinsya, nakita kong ang daming mahihirap sa Maynila. Parang ang daming mali.’ Photo By Richard Viñas

MANILA, Philippines — Pumped up, excited, all ready. These words may be an understatement to describe Akbayan Partylist Representative Arlene “Kaka” Bag-ao as she faces one of the biggest challenges in her life as a lawyer and as a lawmaker. On January 16, Bag-ao will be part of the prosecution team, in fact the only female member so far, in the historic impeachment trial against Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

The first-termer solon is all set for that day in history, confident about getting Corona impeached. But with or without a victory, Bag-ao says the most important lesson that could come out of this televised impeachment trial is that people will be able to understand what this political process is all about and be part of the much-needed reforms.

“Mapapanood nila, makakapagbigay sila ng kanilang opinyon at saloobin. Mapapag-usapan natin ang Constitution. Mapapag-usapan natin ang ibig sabihin ng due process, ng public trust, ng graft and corruption,” says the 42-year-old human rights lawyer who handled high-profile cases such as the Philippine Airlines Employees Association (PALEA) labor case and the Sumilao farmers’ case.

Bag-ao’s choice of career and advocacy was fueled by an eventful student life in De La Salle University. As a community organizer for the urban poor, she was active in rallies and was deeply immersed in the issues of the time. It comes as no surprise that after clinching her Law degree at the Ateneo Law School and passing the Bar exams, Bag-ao opted to pursue the unprofitable but rewarding route of alternative lawyering. Her organization Alternative Law Group doesn’t only fight  for the rights of the marginalized, indigenous people, farmers and fisherfolk, but also provides paralegal training in law schools.

She was the lead counsel in the Sumilao Farmers’ case, a case of indigenous farmers who walked for 1,700 kilometers from Bukidnon, Mindanao to Manila to claim rights to their lands under agrarian reform against one of the biggest corporations in the Philippines. The Sumilao Farmers’ case generated national and international attention and support, and earned for Bag-ao the 2008 Frederik Ozanam Award given to exemplary individuals who “in living out the demands of faith, justice, and love, have given distinctive and continued service to their brothers and sisters, especially the poor and suffering” during the Annual Academic Convocation of the Ateneo de Manila University.

With her extensive experience in policy reforms such as the Sexual Harassment Law and Comprehensive Agrarian Reform Program Extension with Reforms (CARPER), the neophyte solon was immediately entrusted with the major cases in the Lower House. Her baptism of fire was when she was chosen to be part of the aborted impeachment case of former Ombudsman Merceditas Gutierrez.

“Akala ko kapag first termer puwede kang pabandying-bandying. Ang bilis eh! Unang araw pa lang, complaint kaagad ni Merceditas. Ang bills pa ng Akbayan eh malalaking mga batas: RH, land use, postponement ng ARMM elections. Naging malaking puhunan ko rin ‘yung reputasyon ni Rissa Hontiveros at ni Etta Rosales. Maganda ‘yung namana kong posisyon. Meron kaagad na impresyon ‘yung mga tao na hindi kalang pabandyingbandying o jologs sa loob ng Congress. Although jologs din naman ang dating ko sa kanila, alam nila hindi ako nagbibiro kapag nag-te-take ako ng posisyon,” says Bag-ao.

One could easily be swept away by the big issues and problems that Bag-ao carries on her shoulders, but not her. In fact, the warm and unassuming provinciana from Dinagat island in Surigao del Norte is a jolly person who knows how to enjoy life’s simple offerings — including food and Sharon Cuneta movies! In this 60 Minutes interview, Rep. Kaka regales us with her experiences as a congresswoman, her grassroots work that she finds so much joy in, her guilty pleasures, and how she brings pride to the people in her beloved Dinagat island through her inspiring and pioneering work.

And then, she rolls up her sleeves to get a Chief Justice impeached. (Rachel C. Barawid)

STUDENTS AND CAMPUSES BULLETIN (SCB): Being one of the prosecutors in the upcoming impeachment of Chief Justice Renato Corona, how are you preparing?

REPRESENTATIVE ARLENE ‘KAKA’ BAG-AO (AKB): I am the lead for Article 4, which is about the enroachment of the Supreme Court on the equality of the branches when they issued the status quo ante order against the impeachment against Merceditas Gutierrez.

Ako ay co-team member ng Article 3, where the integrity and independence of the Chief Justice is being questioned when he personally talked to (Lauro) Vizconde, and when he entertained the letters of (Estelito) Mendoza in the League of Cities and FASA cases. Pati ‘yung case against Mrs. Corona, when she was given government positions na maraming nag-question.

SCB: Are you excited about the impeachment? Anxious?

AKB: Excited, primarily. This is very historical. Hindi kadalasang nangyayari ito.

SCB: Sana nga hindi...

AKB: (Laughs) Sana hindi siya laging nangyayari, kasi kung hindi kawawa naman ang ating bansa. Pero ‘yung fact na Congress took a stand and 188 of us signed a petition, more than the required one-third signatures. Pangalawa, sa buong karanasan ko sa pagiging lawyer, parang napaka untouchable ng Supreme Court, hindi mo siya magalaw. Kapag me reklamo tayo sa Executive, ang bilis nating magrally. Sa Congress, nagka-kampo talaga tayo kapag meron tayong tinutulak na batas.

Pero sa Supreme Court, bawal ka mag-rally within 200 meters of its perimeter. Kapag sinabi ng Supreme Court na ito ‘yun, ito ‘yun, kahit sa tingin mo mali, hindi mo siya magalaw. For the first time, nabuksan sa public kung ano ba ‘yung institution na ito. Sino ba ito? Mga tao din naman sila, particularly ‘yung Chief Justice. Hindi naman siya ‘yung institution, pero malaki ang responsibility niya na i-manage ang mga kasamahan niya. And yet, siya mismo, he violated a lot of rules, even the Constitution at ‘yung kanilang mga ethical rules bilang mga judges.

SCB: What should young people know about the impeachment?

AKB: Number one, that it’s in the Constitution, as opposed to the allegation of the Chief Justice that it will create a constitutional crisis. It is implementing a provision of the Constitution that states you can only remove the Chief Justice by impeachment.

Ang dapat maintindihan ng mga kabataan na lahat ng tao sa gobyerno ay subject sa ganitong klase ng disciplinary action. Ibig sabihin, hindi porke’t nasa gobyerno ka ay hindi ka na puwedeng galawin at puwede mo nang gawin lahat.

Kapag gumawa ka ng masama sa gobyerno, hindi mo puwedeng sabihin na “Chief Justice ako, hindi ako puwedeng tanggalin!” May ganoong kalaking obligasyon at may mataas na standard sa nagtratrabaho sa gobyerno. Dapat ay subject ka sa scrutiny, sa pagbabantay, sa assessment ng taong bayan. Kapag hindi sila masaya sa iyo, dapat laging option ‘yung sabihin na ayaw na namin sa iyo.

Pangalawa, dapat maintindihan ng kabataan na kinabukasan nila ang at stake dito at hindi nila dapat hayaan na hindi pag-usapan ang obligasyon at responsibilidad ng mga nasa gobyerno.

Kung gusto natin ng isang Chief Justice na walang pakialam sa rules, hayaan natin siya. Gusto ba natin ng ganiyang kinabukasan? Mahalagang tanong ‘yan sa kabataan.

SCB: Are you planning on going after the other justices?

AKB: There’s a pending impeachment case against Justice Del Castillo. I think it has already gone to second voting with the justice committee with regards to substance. ‘Yung going after, again, that’s our mandate, that’s our responsibility. We won’t be doing our job properly if we don’t file an impeachment complaint against other justices if we really have evidence against this person.

Although, sa puntong ito ng ating kasaysayan, ‘yung impeachment against the Chief Justice is a very big move already in terms of proving a point, in reforming the judiciary. Hopefully maging signal ito sa ibang justices na gusto natin ng mahusay na justice system. Sana participant kayo, hindi kayo ‘yung gumagawa ng kamaliang ito.

SCB: How confident are you with the case?

AKB: We’re very confident. Contrary to some allegations that a lot of the members of the House were not able to read it, we’ve been talking about this even before the actual writing was done. I was there the whole time.

SCB: Do you have a Chief Justice that you admire?

AKB: Si (Hilario) Davide. Siya ang unang nag-recognize ng value ng alternative lawyer. At saka nakausap ko siya ng isang beses, overwhelmed talaga ako sa presence niya.

NEOPHYTE LAWMAKER

SCB: You’re a neophyte congressman. Did you imagine this happening on your first term?

AKB: Medyo na-shock lang talaga. Akala ko kapag first termer puwede kang pabandying-bandying (laughs). I’m here to learn! Ang bilis eh! Unang araw pa lang, complaint kaagad ni Merceditas. Ang bills pa ng Akbayan eh malalaking mga batas: RH, land use, postponement ng ARMM elections.

Masaya ako sa mga pagkakataon dahil una, hindi naman ako technically first timer, part ako ng alternative law group, malaking bahagi ng lawyering work namin ay technical assistance at bill drafting. ‘Yung sexual harassment law, CARPER, naging bahagi ako kahit crafting hanggang dun sa bicameral conference. Naging puhunan din ‘yun.

Naging malaking puhunan ko rin ‘yung reputasyon ni Rissa Hontiveros at ni Etta Rosales. Maganda ‘yung namana kong posisyon. Meron kaagad na impresyon ‘yung mga tao na hindi ka jologs sa loob ng Congress, although jologs din naman ang dating ko sa kanila (laughs), alam nila hindi ako nagbibiro kapag nag-take ako ng posisyon. Naging tulong ‘yun sa akin.

At the same time, sa tingin ko ay ‘yun din ang naging daan kung bakit nasabak kaagad ako sa mga malalaking isyu sa loob ng House. Hindi ko nga lang alam dati ang difference ng parliamentary inquiry sa ibang motions sa floor. ‘Yung “point of order,’’ natututunan ko lang siya kapag nakikinig ako (laughs). Puwede ko rin palang gawin ‘yun (laughs)!

Dahil abogado ako at nagpra-practice ako ng law before ako naging kongresista, siguro parang direct examination lang kapag nagi-interpellate ng speeches.

Nag-practice ako (laughs)! Kahit wala naman akong malalim na tanong noong mga unang linggo, tumayo ako para lang maramdaman ko. ‘Yung court kasi natin sa Pilipinas, iba eh. Ang liit lang. Kaharap mo na ‘yung judge, ‘yung mga kalaban mo katabi mo na, ang dilim, ang daming papel. Sa Congress, ang laki ng hall. Nakaka-overwhelm. Pagtayo mo pa lang, nakakakaba na eh.

SCB: Did you really plan to be in government?

AKB: Dati ayoko kasi maging gobyerno eh, pakiramdam ko kasi ang mga taga gobyerno parang salbahe (laughs). Ang daming perks, hindi sila pumipila. Nakakabuwisit ‘yun. Kahit na simpleng bagay, alerto tayo pag may pulitiko, talagang special attention. Hindi sila sumusunod sa traffic. More than that, lagi silang involved sa corruption.

At tingin ko, hindi nila naintindihan kung ano ‘yung issue ng mga mamamayan. Ang mahalaga lang sa kanila, photo op event ba ito? Palakihan ng picture sa mga kalsada at sa mga infrastructure projects. Hindi sila puwedeng magbigay ng libro nang walang malaking karatula.

SCB: But when you entered government, what did you realize?

AKB: Eto na ginagawa ko na rin siya ngayon! (laughs) Hindi, una, marami rin pala na hindi ganon. Hindi naman monolithic ang gobyerno kaya mabilis rin makahanap ng mga like-minded spirits. Pangalawa, may mga dahilan naman ‘yung mga photo-ops.

Pero sa tingin ko marami talagang hindi dapat nangyayari ‘yung special privileges, sa pila ng bus o eroplano, ‘yung ibang mamamayan nasa likod, pero ako dapat nasa harapan. Bakit? Pare-pareho namang upuan ‘yun eh. Bakit kailangan nasa harapan ka?

Pero narealize ko na puwede ko palang gamitin para ikuwento ‘yung mga kuwento na hindi nakukuwento palagi — ‘yung mga kaso ng mga indigenous peoples, mga katutubo sa Mindanao na ang layo ng korte, naglalakad sila dalawang oras mula sa bundok. Kahit ‘yung ganung kuwento lang na puwede ba dagdagan natin ‘yung korte sa ilang probinsiya? Nakita ko, puwede ko palang gamitin itong venue para ikuwento ‘yung mga naranasan ko.

SCB: With the title and power, talagang nakakalaki ng ulo. How do you avoid falling into this trap?

AKB: Ang suwerte ko that I belong to a political party kung saan napakalinaw ang premises sa pagpasok sa gobyerno at yung role ng mga representante niya.

Pangalawa, suwerte rin ako dahil miyembro ako ng Kaya Natin! at lahat ng kasama mo ay naging o kasalukuyang government official. So makakarelate kaagad kayo sa karanasan. Madaling magkaintindihan sa values dilemma. Magkukuwento ko kay Among Ed (Panlilio), anong tingin mo dito? May ganun, may magsasabi sa iyo na alam mo napagdaanan ko na rin ito.

Ganito ginawa ko. Bilang batang pulitiko maraming magpapaalala sa iyo. Si Gov. Grace Padaca, si Sec. Jesse Robredo, sila Congressmen Bolet Banal at Teddy Baguilat, nararanasan ko ‘yan, eto yung naisip ko. Bibigyan ka palagi ng perspective.

SCB: What convinced you in the first place to accept the nomination of Akbayan?

AKB: Pinuwersa ako ng mga magsasaka, ‘yung mga Sumilao farmers na nakasama ko sa paglalakad. Inabangan ko sila, pagdating dito hindi na ko pinauwi.

Dahil matagal na kong miyembro ng Akbayan, nakiusap sila na puwede ba huwag ka muna umuwi sa Cagayan de Oro at tumulong ka muna magprovide ng technical assistance dun sa Committee on Agrarian Reform kasi yung proposal ng bill ay galing sa alternative law groups. So nag stay ako ulit dito.

Kinausap ako ng mga Sumilao farmers nung una. Sabi nila puwede bang pumayag ka? Hindi naman kaming lahat puwedeng mag kongresista, bukod sa mahirap kaming magsasapatos, mamimiss namin ang pagtatanim.

Ikaw puwede, kaya pumayag ka na, pero huwag mo kalimutan ‘yung land use. Mayroon na nga kong mga specific na assignment bago pa lang ako pumayag. At dahil ang dating sa akin ay tasking, naatasan akong gumawa ng isang bagay at para sa akin consistent ‘yun sa gusto ko talagang gawin, bilang alternative lawyer.

ALTERNATIVE LAWYER

SCB: How did you become an alternative lawyer?

AKB: Pagka graduate ko ng De La Salle, naging community organizer ako ng urban poor. Katatapos lang ng People Power so maraming NGOs ang naorganize. ‘Yung sinamahan ko, Social Development Index nag-organize ng mga nanay, violence against women. Ang pinaka main advocacy nila kasama ng ibang urban poor groups dun ay housing.

SCB: Pero ‘yan ba talaga ang gusto mong gawin?

AKB: Nagkamalay ako sa panahon ng People Power. Pakiramdam ko diyan pag wala ka sa ganung lugar, hindi ka ‘‘in.” Pero basically, ayoko lang talagang may maluluging tao. Bawat batang nanghihingi ng konting pagkain lugi siya eh. Kasi lagi kang may choice na hindi ibigay. Minsan nga tira lang ibibigay mo eh. Pero siya hindi niya choice tumanggap ng tira. Parang mali ‘yun, di ba?

Sa tingin ko, dapat ‘yung sistema natin nagpapahintulot na lahat ng tao puwede magkaroon ng choice. Nagkaisip na ko nung namatay si Ninoy at nakita kong  may mali. To think kasama ako dun sa tinetrain ni Marcos sa New Society. SCB: ‘Yung Kabataang Barangay? AKB: Hindi lang ‘yun. Ito talaga ‘yung mga cream section sa high school, once a year may leadership summer camp kayo pero actually new society training.

Tinuturo sa amin kung gaano kaganda ang mga ginawa ni Marcos sa bayan, ‘yung mga CCP ni Imelda. At galit ako dati, kasi bakit galit na galit si Ninoy kay Marcos eh ang ganda ganda ng CCP?! (laughs) Until namatay siya, at ang bilis ng education program sa mga kabataan, sino si Ninoy, sino si Marcos? Oo nga no, umuwi lang, binaril na. Pero nagulat ako ang daming nagalit. Bakit sila nagagalit. Dun ko lang nalaman na ang dami palang namatay. Dun ko unang narinig ‘yung salitang ‘‘human rights,” ‘yung mga dinudukot na lang bigla habang nagra-rally.

Surprisingly in La Salle at that time, malakas ‘yung student movement for social change. Lalo na at Political Science major ako, sabi ng teacher anong ginagawa niyo dito, Mendiola is where you should learn your political science. So ako naman ayos ‘yun ah. Sali ako dun. (laughs) Hanggang umalis si Marcos. Unang advocacy na involve ko talaga ‘yung CARP law, House Bill 800. Ang trabaho ko lang dati magdistribute ng primer sa college, hindi ko akalain na pagdating ng panahon na ito ay kasali pala ako sa pag-amend ng CARP law.

SCB: When did the decision to enter law school happen?

AKB: Nung community organizer na ako, ‘yung exposure program ko kasi sa La Salle sa mangingisda ng Laguna. In-encourage ako ng tatay ko na mag law school. Ang pinaka malapit sa bahay namin ay Ateneo. Nagpaalam ako sa mga mangingisda, sabi ko, “Pinag-aaral ako ng tatay ko ng law eh. Ano sa tingin niyo? Sabi nila, “Mag-aral ka kasi hindi naman kami puwede mag-aral eh. Tapos ‘pag abogado ka na, balikan mo kami. Ituro mo ‘yung natutunan mo. Kung paano mag aresto ng poachers at saka ‘yung mga fish pens.”

SCB: Bakit hindi ka nag UP?

AB: Ayaw ng tatay ko, kasi ang dami raw aktibista (laughs).

SCB: At naging aktibista ka din

AB: Hindi niya alam ‘yun eh (laughs). Feeling niya sosyal kaya La Salle, siguro mahahawa ‘to!

SCB: Do you encourage young law students to go into alternative lawyering?

AB: Oo. In fact, isang strategic task ng lahat ng nasa alternative law ay magturo sa law schools para makita ng mga estudyante ‘yung example mo. Marami sa ALG ay either professor ng Labor Law or Environmental Law or Agrarian Reform.

SCB: Having grown up with such an idealistic life, do you sometimes feel frustrated that the hope that you started with during EDSA has petered out?

AKB: Hindi ako madrama ha. Hindi kasi ako nangarap na mabilis ‘yung pagbabago. Kagaya ng eskwelahan, ‘yung English at Filipino, inaaral natin mula Grade 1 hanggang fourth year high school, parts of speech, paulit-ulit. Pero kahit ganun, tuwing maririnig mo siya, bago palagi sa’yo (laughs).

Mali ‘yung isipin na pagkatapos ng EDSA, napakaganda na ng ating sistema. Bakit nandito pa rin ako sa ganitong paniniwala? Kasi nakakakita pa rin ako ng stories of victory. ‘Pag nakakuha ng lupa ‘yung farmers at ‘pag nakita mo talaga ‘yung ligaya niya, at sa unang harvest, bibili siya ng bisikleta para makarating siya sa farm niya. Ang laki-laking pagbabago nun sa paniniwala at pag-asa ng tao na puwede akong umunlad kung ‘yung gobyerno ko ay tutulong sa akin at ‘yung kasipagan ko sasabayan ng programa ng gobyerno.

SCB: How were you brought up? How did you become this way?

AKB: I-assess natin tatay ko (laughs).

SCB: Lawyer ba ang tatay mo?

AKB: Hindi, pero pilosopo. His name is Francisco, ang tawag sa kanya ng mga tao Mang Iko. Galing siya sa isang mahirap na pamilya dahil nakatira siya sa isla, galing sa school, araw-araw pinapadala siya ng tatay niya ng isang buko kaya nagkaroon sila ng niyog. Kumukuha siya tuba, para may panggastos siya sa school. Punta siya dito, trabaho sa factory ng pomada, nakilala nanay ko na medyo sosyal. Bawal na pag-ibig. Naks, ganun (laughs)!

Pero bakit ako naging ganito, ang tatay ko ang nagturo sa amin ng fairness. Palagi talagang sinasabi niya sa amin na dapat, hindi ka lalamang sa iba. Ok pa nga na malamangan ka nang konti, for experience purposes. Pero ‘yung para manlamang ka, hindi ka liligaya eh. Paano ka magkakaroon ng maligayang mundo kung ‘yung kasama mo hindi masaya? Kung gusto mong maging masaya, kailangan masaya rin ang mga kasama mo.

SCB: ‘Pag nalalamangan ka, anong ginagawa mo?

AKB: Dahil ayokong manglamang, ayoko rin magpapalamang. Kapag nalalamangan ako, ang gagawin ko ang paraan na alam kong legal...

ON TO IMPEACHMENT

SCB: Pinuna din ang malimit mong pagtatagalog sa Kongreso...

AKB: Na insecure tuloy ako (laughs). Una, nakakahiya si (Cong. Sergio) Apostol dahil ang kongresista hindi lang dapat nakakaintindi ng Filipino kundi dapat maging magaling din sa Filipino. Nasa Konstitusyon ‘yan, lahat tayong Pilipino ay “required to enhance, nurture and promote the Filipino language.’’ In English o, ang galing (laughs)! Sa tingin ko, hindi lang ‘yun na kung kaya kong intindihin o hindi, may responsibilidad tayo at kung kungresista ka, hindi mo finu-fulfil ‘yung responsibilidad mo. Ang Congress ay venue to communicate sa mga tao.

SCB: Paano sa impeachment, puwede bang gumamit ng Filipino?

AKB: Kailangan siguro nating mag Ingles baka pagalitan ako ni Miriam (Santiago) (laughs). Hindi ko alam baka ma contempt ako pero subukan ko din, magpapaalam ako. Puwede ko rin sabihin sa senators, “Can I propound my questions in Filipino?” Pero maganda ‘yung suggestion ninyo. At pag nagawa ko ‘yan, titingin ako sa inyo. Kayo nag influence sa akin na gawin ‘to (laughs).

SCB: Paano kapag sinabi ni Senator Miriam, no, kasi Ilongo siya eh?

AKB: Sasabihin ko, can I also help in translating it in English or Ilongo.

SCB: Will people be able to watch the proceedings live on TV?

AKB: Yes, dahil na din dapat maintindihan ng public na impeachment is not just a regular case that you handle in court. It is a political process. It doesn‘t necessarily mean numbers of those who will vote and those who will file, but the understanding of the population of what it is all about, they get to participate, they express their opinions, at bahagi sila ng pagde-decide. In the end, ang malaking bahagi ng proseso dito ay kung ano ang pakiramdam ng ating mga mamamayan sa pinaguusapang isyu. Natutuwa ba sila? Nakakatulong ba ito sa pag-reform ng ating justice system?

Maraming isyu ang kakabit kapag sinabi nating we don‘t trust the Chief Justice anymore. Kapag sinabi nating “we”, it’s not the 188 who signed, but the people they represent. Ang presumption natin ay ‘yung nire-represent ng 188 ang nagsasabing we don‘t trust the Chief Justice anymore. Dahil ayaw na nilang i-trust ang Chief Justice, dapat part sila ng conversation na mangyayari.

Although, agree din ako na the prosecutors should not be allowed to talk about the case freely kasi mahirap naman ipaliwanag ‘yung mga itatanong mo sa loob ng Senado. Pero magandang kasama ‘yung mga tao. Mapapanood nila, makakapagbigay sila ng kanilang opinyon, masasabi nila ‘yung kanilang saloobin. Bahagi sila nung mga pagbabagong mangyayari. Tingin ko ‘yan ‘yung maganda. Mapag-uusapan natin ang Constitution, ang ibig sabihin ng due process, ng public trust, ng graft and corruption.

SCB: When the impeachment starts on Jan. 16, what will happen to the RH bill?

AKB: Hindi makakalimutan ‘yun. Unang-una marami namang champions, isa lang ako sa principal authors. May commitment si Speaker Belmonte na i-subject siya to a vote this first quarter. Magi-intensify din ang campaign ng RH kasi sa tingin ko mahalagang-mahalaga na ipasa na siya ngayon. Kahit na may impeachment, hahanap at hahanap ng paraan para maitulak pa rin.

SCB: Do you have the numbers to pass it?

AKB: We have. I think what’s preventing the Speaker from pushing it is that it’s not a big margin as what we had sa impeachment ni former Ombudsman Merceditas (Guttierez) or sa postponement ng ARMM elections. Gusto niya overwhelming majority. I’m sure he also wants a legacy, hindi mo sabihing nag margin ka lang kaya ka na-consider.

SCB: Do you miss private practice?

AB: Private life, but not necessarily private practice kasi parang walang difference sa ginagawa ko ngayon.

SCB: One year to go before elections, kung ma-nominate kayo ulit, ok lang po ba sa inyo?

AKB: Depende sa assessment. Ibig sabihin ng nomination, kung papayag ba ‘yung sektor. Siguro, kasi task ito. Mahirap mag-complain unless nahihirapan ka talaga o kaya ay hindi mo na kaya ng pinapagawa sa’yo, o kaya ay wala kang sapat na katalinuhan sa tingin mo. Pero kung ang sinasabi mo ay kung kaya ko pa, medyo ‘yung level ng talino ko sumasapat pa doon sa requirements, ok lang. Kasi din naman nagagawa ko rin ‘yung gusto ko. ‘Yung ginagawa ko bilang alternative lawyer dati masayang-masaya ako kapag pinag-uusapan. Actually itong impeachment, minsan agony sa akin.

SCB: Oh by the way, how did you get your nickname ‘’Kaka’’?

AKB: Doon sa mga mangingisda. Sa mga fisher folk, ang tawag Ka Benjie, Ka Roland, Ka Arlene ako. ‘Yung isa, nahihirapan siyang mag-pronounce so ‘‘Ka” lang siya ng “Ka”. Hanggang sa Kaka na lang (laughs). Tutal ang ibig sabihin naman ng Kaka nakakatandang kapatid. Sa ibang probinsiya uncle, elder. May immersion ang mga taga-La Salle na kakilala ko dun. Pagbalik namin ng La Salle, Kaka na din ang tawag sa akin!

Kaka answers the Proust questions

What do you regard as the lowest depth of misery?

If your advocacies are not realized because it is not shared by a lot of people you believe to be in the same perspective as you.

Where would you like to live?

Sa Dinagat island.

What is your idea of earthly happiness?

Parang watching a movie once a week with lots of merienda (laughs).

To what faults do you feel most indulgent?

Eating (laughs). Eating anything. But it has a purpose also, kasi naaalala ko ‘yung mga kaso ko sa pagkain. Sa pizza ko narining ang testimonyang ‘to eh.

Who are your favorite heroes of fiction?

Wala akong favorite heroes. Lahat sila favorite ko. Favorite actress lang. Si Sharon Cuneta. Pinanood ko lahat ng pelikula mula Mr. DJ.

Who are your favorite characters in history?

Siguro si Ninoy Aquino kasi siya talaga ang nag-awaken ng may political sense. Si Gandhi dahil sa paglalakad niya sa asin.

The quality you most admire in a person?

Sincerity. Lahat na ‘yun kapag sincere ka, honest ka, truthful ka, fair ka.

Your favorite pre-occupation?

Siguro eating (laughs). Ang mali sa atin tini-treat natin ang eating as simply providing nourishment to make you survive. Actually no. It’s a political activity. A very social event. You can do anything while you’re eating.

Who would you have liked to be?

Ako pa rin. Ang swerte-swerte ko kaya. Ako lang ang taga Dinagat island na nakapag-aral sa De La Salle University. Ako kaya ang pinaka-unang abogado mula sa Dinagat island. Pinaka-unang kongresista mula sa Loreto municipality at mula sa Loreto Center Elementary School. At ngayon ay nahatiran ko sila ng mga libro bilang kongresista. Sino pang mas suswerte sa akin (laughs).

Your most marked characteristic?

Happy lang. Hindi ko alam. Parang mali ata na hindi ako nagse-self assessment. Courage?

What do you most value in your friends?

Napakahirap naman ng mga tanong. Puwede bang impeachment na lang. Mas mahirap ‘to (laughs). Siguro their time and presence in my life.

What is your principle defect?

Eating (laughs). Mali na ‘to eh. Ini-explain ko na siya.

What historical figures do you most despise?

Siguro si Hitler. Siguro si Marcos. Kasi parang siya ‘yung nagsi-symbolize ng lahat ng human rights violations.

What is your present state of mind?

Hopeful kasi start of the year. A lot of possibilities and a lot of small victories that can become blocks for big changes.

How would you like to die?

Sana mabait ‘yung Diyos sa akin. Sana hindi niya ako bigyan ng ‘yung nasasaktan ka. Kasi ‘yung nanay ko ang tagal niyang nasaktan kasi cancer of the ovaries. Sana pagtulog ko lang., at sana ‘yung sinusunog ako sa gitna ng dagat para hindi ako maka-occupy ng space para puwede pang bahayan ng urban settlers. Bukod sa may Philippine deep kami, siguro kapag nandun ang ash ko hindi naman siya makaka-contribute sa climate change.

AttachmentSize
On her awakening social realities: ‘Galing sa probinsya, nakita kong ang daming mahihirap sa Maynila. Parang ang daming mali.’ Photo By Richard Viñas19.27 KB

Comments